Patch POV
Di ko maggawang tumingin sa kanya ng diretso dahil sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko lalo pa at seryoso itong nakatingin sakin. Napaayos ako ng upo at nagpatuloy sa pagkain kahit pa nanginginig na rin ang mga kamay ko.
Ganito ba talaga kahirap kumalma kapag sa ganitong sitwasyon? Pakiramdam ko ay na hotseat ako ng isang hukom. Isang maling salita lang ay patay ako.
" Are you sure na hindi ka attracted sakin?" Seryosong tanong nito.
Napakuyom ako ng kamao at napakagat labi dahil sa sobrang kaba. Ramdam ko na rin ang pawis na tumutulo sa bandang pisngi ko.
" Look at me Patch." Nag uutos na sambit nito.
Tinignan ko siya at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib ko. Ngunit ng masilayan ko ang mukha niyang nakatingin sakin ng diretso ay lalong bumilis ang kaba sa dibdib ko. Hindi dahil sa takot kundi dahil kahit na nakakatakot ang aura niya ay mas lalo lang akong naggagandahhan sa kanya. Ang hot niya sa serious look niya. Para siyang hot professor na terror.
" Ganyan ba ang hindi attracted, Patch?" Tila may pagka dismayadong turan nito.
Napaiwas muli ako ng tingin sa kanya. Napainom ako ng tubig ng marinig ko ang pagbuntong hininga nito. Para na akong maiiyak dahil sa naging reaksyon niya. Hindi pa man ako umaamin sa kanya ngunit sa naging reaksyon niya ay alam ko na ang sagot. Wala akong chance sa kanya.
" Kelan pa yan? Gusto kong malaman kung kelan pa yan Patch." Muling tanong nito.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Napahawak ako sa pants ko ng mariin. Kailangan ko ng sabihin sa kanya yung totoo dahil hindi na talaga kaya ng dibdib ko. Para na itong sasabog ano mang oras.
" S-since college days." Tanging sagot ko.
Napabuga ako ng hangin dahil nakaramdam ako ng konting pagluwag sa dibdib. Tahimik lang ang paligid namin. Hinihintay ko ang sasabihin niya. Hinahanda ko ang sarili ko sa sakit na salitang sasabihin niya.
" You know that I'm not into that kind of relationship, Patch." Sambit nito.
Ouch! Sakit pighati! Saklap naman besh.
" I-i know." Hirap na sambit ko dahil parang may bumara sa lalamunan ko.
" Then why you didn't stop it? Bakit hinayaan mong lumalim yung pagkakagusto mo sakin?" May inis na sa tono ng pananalita niya.
" Dahil hindi naman yun napipigilan, Jani." Pati ang tono ko ay hindi ko na rin napigilan na laksan.
" But you didn't even had to try?" Inis na sambit nito.
" I tried many times, Jani." Sambit ko. Pinunasan ko ang luha ko dahil nanlalabo na yung mata ko. " Kung alam mo lang kung gaano ko pinigilan yung sarili ko. Pero wala eh hindi ko kaya Jani. Lalo nung mga panahong ikaw na yung kusang lumalapit sak--." Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na ito.
" You mean it was my fault?" Napasinghal pa ito. " Akala ko iba ka kay Aikee Argh! That fxcking freak!" Tila mas lalong dumagdag ang inis nito ng maalala ang babaeng iyon.
May kung anong tumusok sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi niya. Katulad ng nangyare sa kanila ni Aikee dati mukhang dun na rin ang patungo ko. Iiwasan niya na rin ako at kamumuhian dahil nagkagusto ako sa kanya na isang homophobic.
" J-jani." Tawag ko sa kanya.
" Ayoko na munang makita't makausap ka." Sambit nito at dali daling umalis sa kusina.
Di ko siya maggawang habulin dahil nanghihina ang mga tuhod ko. Napahilamos nalang ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Sobrang sakit sa pakiramdam na ganun nalang niya iamtatapon yung pinagsamahan namin matapos niyang malaman ang nararamdaman ko para sa kanya. Siguro ganito rin kasakit ang naramdaman ni Aikee nung panahong iniwasan siya ni Jani.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Storie d'amore[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...
