CHAPTER TWENTY-ONE: MEET THE PARENTS

608 23 1
                                    

Aikee's POV

" I love you." Ramdam ko ang pagka sinsero sa tono ng boses nito.

Napaatras ako dahil sa gulat. Hi di ko inaasahang maririnig ko iyon mula sa kanya. Hinawakan nito ang mukha ko at tinignan ako ng seryoso.

Ang bilis ng kabog sa dibdib ko sa mga sandaling ito ay nabablanko ang utak ko. Mahal niya ako, mahal niya raw ako. Hindi ko idideny na mayroong saya sa dibdib ko dahil parehas kami ng nararamdaman ngunit may pag aalinlangan pa rin ako.

" How about Jani?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Nakakaramdam ako ng takot sa maaari niyang isagot sakin. Ngunit kailangan kong tatagan ang loob ko. Naramdaman ko ang paghawak nito sa chin ko para ipaharap sa kanya.

" I love you and only you, Patch." Madamdaming sambit nito bago paglapatin muli ang halikan naming dalawa.

Ipinikit ko ang aking mata upang mas damahin ang labi nito. Naramdaman ko ang paglundag sa tuwa ang puso ko pagkarinig ko sa sinabi nito. Hindi man niya direct na sinagot ang tanong ko pero sapat na ang sagot nito. Naramdaman ko ang pag agos ng luha sa mga pisngi ko dahil sa galak na nararamdaman ko.

"Bakit ka umiiyak?" May pag aalala sa boses nito ng maghiwalay ang labi naming dalawa.

Nakahawak pa rin ito sa pisngi ko kaya panigurado ay naramdaman nito ang luha ko. Napailing ako sa kanya dahil hindi ko kayang sabihin na natutuwa ako sa sinabi niya. Nahihiya ako.

Ngayon pa nahiya kung kelan mala watermelon na ang tyan.

" You don't love me?" Tila nalungkot na naman ito muli.

Manhid ba siya? Akala ko sapat na yung paghalik ko sa kanya para malaman niyang mahal ko siya pero mukhang hindi niya ito biinigyang pansin. Kaya nakatikim ito ng kurot sa tagiliran niya.

" Silly." Inirapan ko siya dahil sa pagkamanhid niya nakakainis.

Tatawa tawa naman ito habang nakahawak sa kinurot kong tagiliran niya.

" Just say you love me too." Nakangiting sambit nito habang ang mga kamay nito ay nasa bewang ko na.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Para akong teenager na hindi kayang sabihing sa taong mahal niya rin ang taong nagmamahal sa kanya.

Para kang timang!

Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya at marahan na tinignan siya sa mga mata niya habang ganun din ito sakin. Nakakahawa ang ngiting nakapaskil sa labi nito na siyang nagbibigay ng lakas ng loob sakin.

" I love you too, Stupid." Nakangiting sambit ko.

Natawa ako ng makita ang pamumula ng pisngi nito. Napayuko pa ito sa sobrang hiyang nararamdaman niya o dahil sa kilig siguro.

Ang sarap sa pakiramdam na parehas kami ng nararamdamang dalawa. Walang katumbas na kasiyahan ang nadarama ko sa mga sandaling ito.

Ipinagdikit ko ang noo naming dalawa at napapikit ako upang damhin ang kaaiyahang ito. Ganito pala kasaya ang magmahal ng taong mahal ka rin.

Anak, mukhang sa paglabas mo ay isang masaya at buong pamilya ang maibibigay namin sayo. Kaya kumapit ka lang baby hihintayin namin na ang paglabas mo. Ipapangako kong mamahalin ka namin ng Mama Aikee mo.

" Let's sleep na."Pag-aya nito sakin. Makikita ang kasiyahan sa mata ni Montero.

" But first take a bath ayokong tumabi sayo na amoy alak ka." Sambit ko at inilayo siya ng konti sakin.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon