Patch's POV
Lumipas ang tatlong araw simula ng umalis si Aikee patungong Cebu kasama ang pinsan kong si Gio. Nasa unit ako kasama si Sky habang nanunuod ito ng Spy x Family.
Habang ako ay bagot na bagot sa pinapnuod nito at naiirita dahil sa loob ng tatlong araw ay wala man lang paramdam yung isa. Maayos naman kami nung bago siya umalis hindi na rin namin napag usapan pa yung tungkol sa sinabi kong mahal niya si Jani.
" Panget mong buntis." Biglang pang iinsulto ni Sky sakin.
" Para namang mas maganda ka kesa sakin." Balik asar ko sa kanya.
Inis na naihagis ko sa couch yung phone ko matapos kong matalo sa nilalaro kong offline games. Ngayon ko lang napansin na nahihilig akong maglaro sa mga offline and online games.
" Hindi pa rin ba nagtetext sayo?" Tanong nito habang busy sa pagnguya ng popcorn na niluto ko kanina.
" Tsk. Siraulo siya para hindi man lang mag update sakin." Inis na turan ko.
" Baka naman nambabae talaga yun at hindi naman talaga work ang pinunta. Knowing Aikee babaera yun" Seryosong sambit niya.
Nag init bigla ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Subukan niyang mambabae talaga at magsinungaling sakin talagang malilintikan siya. Di man lang niya naiisip na may buntis na naghihintay sa kanya tapos mambabae pa siya? Lintek ka tallagang Montero ka.
" Papatayin ko talaga siya." Inis na sambit ko.
" Woah woah huminahon ka nga binibiro lang kita." Awat ni Sky sakin na tila natakot dahil sa sinabi ko.
" Fck her!" Inis na sambit ko at hinagis ang remote control dahil sa inis ko.
" Well ginawa niyo na kaya ka nga may pakwan oh." Pang aasar pa ni Sky sakin na agad kong pinalo sa hita niya.
Well alam na nito kung paano kami nakabuo. Nung pumunta sila dito at nahuli kami na magkayakap ay sinabi na rin ni Montero sa kanila na intersex siya. Nagulat pa itong impakta at sinabing gusto niyang makita kaya nakatikim siya ng wagas na palo sakin. Aba hindi pwedeng makita ng iba yon abnoy talaga tong babaeng toh eh.
" Masarap ba? Gaano kalaki yung hakdog niya?" Curious na tanong nito sakin na may nakakalokong ngiti sa labi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa walang kakwenta kwentang tanong nito sakin. Masyado siyang curious sa bagay na yon tsk.
" Tumigil ka nga, Langit." Saway ko rito.
" Ang damot mo naman magkukwento ka lang naman eh." Nakangusong sambit oa nito.
" Abnormal ka bang talaga? Hindi dapat pinag uusapan ang bagay na yan." Asik ko sa kanya at inirapan siya.
" Ano ka minor? Matanda na tayo kaya ayos lang pag usapan yan." Parang tangang sambit nito.
" Bahala ka nga sa buhay mo kaya walang nagtatagal sayo kasi abnoy ka." Pang aasar ko sa kanya.
" Hoy pasmado ka ha. Pasalamat ka buntis ka kundi sinikmuraan na kita dyan eh." Irap na sambit nito at muling nanuod sa tv.
Napabuga ako ng hangin dahil muling bumalik ang inis ko sa babaeng may hotdog na yun ng makitang wala man lang notif galing sa kanya sa cp ko na nasa couch.
Tsk! Ano bang ginagawa mong babae ka at hindi mo naggagawang mag update sakin. Ganun na ba kahirap magsabi na busy ka. Subukan mo lang talagang mambabae yayariin talaga kita.
Biglang umilaw ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha para tignan ang text na galing sa taong marunong naman palang gumamit ng cellphone.
Hakdog
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...