CHAPTER THIRTEEN: THE EX

609 19 2
                                    

Patch POV

Lumipas ang dalawang araw matapos ng naganap na party ng mga Silvester. Agad na kumalat sa buong bansa ang tungkol sa engagement naming dalawa ni Arq. Marami ang bumatikos ngumit mas marami ang sumuporta.

Nakakaamaze lang na sa panahon natin ngayon mas marami na ang tumatanggap sa gantong klase ng relasyon. Unti unting tinatanggap ng mundo na ang babae ay di lang para sa lalaki.

" Ma'am here's the another cctv footage." sambit ng investigator na kinuha ko upang imbestigahan ang perang nawawala sa company namin.

Inilahad nito sa mesa ang isang brown envelop na may nilalaman panigurado ng mga nakuha nitong ebidensya. kinuha ko ito at isinuksok sa loob ng bag ma dala ko. Agad kong kinuha ang puting sobra na naglalaman ng paunang bayad ko.

" Aasahan ko ang ilan pang makakalap mo na ebidensya. Maraming salamat." iniabot ko rito ang sobre.

" Aye boss." marahan itong ngumiti at tinamggap ang sobre.

" Sige na at kailangan ko ng mauna." sambit ko at sinuot ang eye glasses na dala ko.

Tumayo na ako sa kinuupuan lo nago lumabas ng VIP room dito sa Pub Lane Bar. Dito ako nakipagkita para di kapansinpansin ang pagkikita namin kung sakaling may nakasunod sakin. Sa dami ng tao at dilim ng paligid paniguradong mahihirapan silang hanapin at sundan ako.

Simula rin kasi na kumalat ang balita about samin ni Arq marami raming paparazzi ang sumusunod sakin upang kunan ng pahayag patungkol sa bagay na yun kahit pa kumpirmado naman na ng parents namin.

Patago akong lumabas ng bar ngunit di pa ako nakakalabas ay may bumunggo na sakin. Natapunan ng hawak nito ang damit ko.

" shit! sorry miss." pahinging paumanhin nito base sa boses nito ay babae ito.

" it's okay." sambit ko. 

" let's go palitan natin yang damit mong nabasa ko." sambit nito na di na ako hinayaan pang magsalita dahil hinila na ako nito sa isang mesa at kinuha ang bag nito.

Di na ako nakaangal sa bilis ng pangyayare at nandito na kami sa loob ng cr. Tama nga ang hinala ko at babae nga ito.

" Sorry ulit dahil sa sobrang clumsy ko di kita napansin." sambit nito at nailaglag pa ang ilang gamit niya ng may ginagalugad ito sa loob ng bag niya.

Napataas ang kilay ko dahil halata nga ang pagiging clumsy nito. Kapansin pansin ang ganda ng hubog ng katawan nito babaeng babae. Sexy siya na di bastusin ang itsura di tulad sa iba na mala porn star ang katawan. Makinis din ang balat nito na parang hindi nasusugatan nung bata pa siya. Maliit ito na parang kasing tangkad lamang ni Jani. Maganda rin ang pagkaalon ng buhok nito alam mong natural ito dahil sa kintab nito at halata mong malambot talaga. 

" Eto miss, I hope na magkasya ito sayo." Sambit nito.

humarap ito sakin habang nakalahad ang hawak nitong isang puting tela na sa tingin ko ay damit niya. Nag aalangan man ay kinuha ko na ito dahil nararamdaman ko na ang lagkit ng katawan ko.  Ngayon ko lang din napagtanto ang mantsa sa suot kong pink na crop top.

Maganda ang mukha nito hindi lang pala ang katawan niya. Para siyang anghel na ibinaba mula sa langit. Napakaamo at aakalain mong hindi gagawa ng kung anong kademonyohan sa mundo.

" It's okay and salamat rito." Nag alalangang ngiting sambit ko sa kanya bago pumasok sa isang cubicle.

Agad akong naghubad ng top ko at pinunsan ng wet wipes ang dibdib ko kung saan ako banda nabasa ng alak na dala nito kanina. Pagkatapos ay sinuot ko ang damit na dala nito. Mabango ito amoy baby cologne bagay sa kanya dahil mukha rin siyang baby.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon