Patch POV
Ilang minuto lamang naglagi si Sophie rito sa ospital dahil daraanan pa raw nito ang boyfriend niyang nasa presinto. Nagkausap na rin sila ni Aikee kamina pagkagising nito. Humingi ito ng dispensa dahil sa ginawa ng boyfriend nito at nga mga kaibigan nito. Sabi naman ni Montero ay pag usapan nalang nila ang kaso pagkalabas niya ng ospital. Wala namang naggawa si Sophie sa desisyon na iyon ni Montero.
" Apple please." Usal nito habang tinuturo yung apple na nasa tabing mesa lang naman niya.
Lihim na lamang akong napairap. Pasalamat siya at nandito pa rin ako. Hindi pa rin kasi dumarating sila Vee kaya di pa ako makaalis.
" Ano ba naman yung nagbabantay sakin di man lang ako alagaan." Pagpaaparinig nito. Sinimangutan ko siya. " Ang taray pa hay."
" Masyado ka ng sinuswerte Montero." Asik ko.
" Swerte ba yung ganito? Di ka man lang maawa sakin puro pasa na nga yung katawan ko." Pagpapaawa pa nito.
Di lang pala ulo niya ang nakabenda pati ang kaliwang paa nito na ang sabi niya kanina ay nadaganan ng mesa nung nagkakagulo na sila.
No choice na tumayo ako at inirapan siya. Agad akong nagtungo sa tavle kung saan nandun ang mga prutas na dala rin ni Sophie kanina. Kinuha ko ang apple na sinasabi niya hinugasan ko muna ito bago ibigay sa kanya.
" Ang sama naman ng loob. " Nakangusong sambit pa nito.
" Can you just eat and shut the fuck up, Montero!" Singhal ko sa kanya.
Andami niyang arte parang batang inaapi. Di naman bagay sa kanya tsk. Napairap nalang ito bago masama ang tingin sakin na kumagat ito sa apple niya.
" Bakit ka ba nandito kung masama rin naman pala ang loob mong bantayan ako?" Halata ang inis sa boses nito.
Bakit nga ba? Kung tutuusin ay pwede ko naman na siyang iwan dito. Pero baka magtaka si Vee kapag hindi niya ako naabutan dito.
" Hinihintay ko si Vee." Naka crossed arms na sagot ko sa tanong niya.
" She's not coming." Asik nito at muling kumagat sa kinakain niya.
Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Bakit naman hindi pupunta si Vee rito? Nasaan na naman ba gumala ang buntis na yon?
" Nasa Canada sila dahil sabi ni Vee may ipapakita raw siya dun sa asawa niya." Napangiwi pa itong nagpaliwanag.
Agad na kinuha ko ang cellphone ko ng marinig kong tumunog ito. Bumungad sakin ang pangalan ni Vienna kaya agad ko itong sinagot.
" Patch? Are you still in the hospital?" Tanong nito sa kabilang linya.
Napaiwas ako ng tingin kay Montero dahil sa nakakalokong ngisi sa mukha nito. Kakamot kamot ako sa kilay.
" Yeah I'm still here. Are you coming?" Umaasang tanong ko at napakagat pa sa labi.
Sabihin niyang papunta siya rito para makaalis na ako. Ayokomg magstay rito ng matagal dahil baka imbes na gumaling pinsan niya eh madagdagan ko pa.
" Sorry Patch I'm in Canada now. Can you check her for me? Tito Carlo are also in abroad. No one can take care of her." Pakikiusap nito.
" But----." Di ko pa natatapos yung gusto kong sabihin ng sumabat na ito agad.
" Pretty please? Pasaway kasi yang babaeng yan eh hindi yan umiinom ng gamot at lagi pang nakikipag away sa mga nurse. Baka matagalan siyang lumabas ng ospital kung di niya susundin yung Doctor." Pakiusap pa rin nito.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...