CHAPTER SEVENTEEN: MISSING HER

956 29 1
                                        

Patch's  POV

Lumipas ang isang buwan at dalawang linggo simula ng may nangyare samin ni Montero. Hindi kami nagkaron ng komunikasyon pa simula nun. Nakakainis ang babaeng yon. Wala man lang paramdam pagkatapos naming nagkasagutan sa loob ng kotse niya.

Nakakainis siya sobra! May pasabi sabi pa siyang pananagutan eme niya ako kapag nakabuo kami. Lintek na babaeng yon. Ilang gabi na ako parang tangang umiiyak dahil di ko man lang siya nakikita.

Ayoko siyang kontakin noh baka mag feeling na naman yung babaeng yon. Baka lalong lumaki ulo nun kung ako na naman ang mag iinitiate na kontakin siya. Bahala siya sa buhay niya.

" You look pale Patch are you alright?" Concern na tanong sakin ni Jani.

Simula ng di ko nakakausap si Montero ay dito ako tumatambay sa bahay nila Jani. Medyo ayos na ulit ang pagigising magkaibigan namin. Di ko na rin talaga pinilit pa yung feelings ko sa kanya.

" I'm fine medyo kulang lang ako sa tulog nitong ilang araw." Sagot ko sa kanya.

Napapansin ko sa sarili ko ang pagbabago ng body clock ko. Tuwing midnight kasi ay nagkecrave ako sa mga pagkain na madalang kong kainin tas sabayan pa ng panunuod sa netflix pagkatapos nun dun na ako naiiyak dahil kakaisip kung nasan na ba ang babaeng yun kaya napupuyat ako.

Di ko alam sa sarili ko kung bakit hinahanap hanap ko yung babaeng yon. Basta gusto kong nasa paligid ko siya. Gusto kong makita yung pagmumukha niyang letse siya.

" Are you sure? Bakit di ka magpa check up sa doctor para maresetahan ka ng gamot na makakatulong sayo para mapaaga ang tulog mo." Sambit ni Jani.

Pinanuod ko itong kinuha ang remote ng T.V niya at naghanap ng movie na panunuorin namin. Nandito kami sa sala nila para mag movie marathon. Ganito lang gawain namin rito.

" Ang baho." Nandidiring sambit ko ng maamoy ko ang binuksang cadburry chocolates ni Jani.

Nagtatakang tumingin ito sakin at inamoy yung chocolate na hawak niya.

" Hindi naman mabaho ha ang bango nga eh. Amoyin mo." Sambit nito at pilit na pinapaamoy sakin ang hawak niya.

Pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya ngunit ng di ko na naggawang ilagan pa ay nalanghap ko ang mabahong amoy na iyon. Parang nagkaron ng rambol sa tyan ko. Agad akong tumayo at tumakbo patungo ng cr nila Jani.

" Ang O.A mo Patching." Rinig kong sambit ni Jani.

Napahawak ako sa hamba ng lababo nila at dun na ako tuluyang sumuka. Halos naisuka ko lahat ng kinain ko kaninang tanghali. Fck ! Ano bang nabgyayare sakin? Ilang araw na akong sumusuka nakakainis. Baka tama si Jani baka need ko ng kumonsulta sa doctor.

Nanghihinang napaupo ako sa sahig ng cr nila Jani. Parang lantang gulay na ako ng matagpuan ako nito sa loob ng cr nila.

" Fck! Ano bang ginagawa mo? dyan ka pa umupo sa sahig. Tumayo ka nga!" Inis na turan ni Jani sakin at nilapitan ako agad para alalayan.

" I'm okay." Nanghihinang sambit ko.

" You don't look okay. Come on I'll take you to our guest room you need to rest." Sambit nito na tila wala na akong dapat pang gawin kundi sundin siya.

Inilabas ako ni Jani habang nakaalalay ito sakin hanggang sa makarating kami sa isa sa mga guest room nila at Inihiga ako nito sa kama.

" Rest here and I'll going to cook some food for you." Utos nito sakin bago ako iwan sa guest room.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil wala naman na akong maggagawa. Kapag si Jani ang nagsabi kailangan sundin agad. Baka batas yung midget na yon.

Tatawa tawa ako sa naisip ko. Ngunit agad na napasapo ako sa aking ulo ng bigla itong kumirot.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon