Patch's POV
5 years later.....
Sa paglipas ng mga taon namuhay akong nag iisa. Nagsimula akong buhayin ang sarili ko. Hindi ako umasa sa pera ng parents ko. Natuto ako sa trabaho ng isang ordinaryong tao.
Sa France ako nagtungo pagkaalis ko ng Pilipinas na kahit sino sa mga kaibigan ko ay walang nakakaalam maski ang parents ko, tanging si Arq lang.
Mas pinili ko ang lugar kung saan wala akong kilala maski isa. Ginusto kong sa ganitong paraan unti unti akong maghilom. Sa unang taon ko rito sobrang hirap dahil Maraming adjustment ang ginawa ko bago ako nasanay. Nandyan yung na-homesick ako at gusto ng umuwi pero natakot ako.
Janitress ang unang trabahong pinasukan ko rito. Hindi ko akalain na ganun pala kahirap ang ginagawa ng mga janitors namin sa company. Nakakahanga na kinakaya nila ang trabaho na yun dahil hindi siya basta basta lang. Dugo't pawis ang puhunan nila para mabuhay.
Naging waitress din ako sa ilang mga bar at restaurant. Resto sa umaga, Janitress sa hapon pagdating ng gabi ay sa bar naman. Naging ganun ang routine ko sa dalawang taon. Ilang oras lang ang itinutulog ko tas sasabak na ulit. Sa ganung paraan unti unti nawawala yung pangungulila ko sa kanila.
Hanggang sa nasanay ako at kumuha pa ng ibang mga part time job. Unti unti rin nakakaipon ako gamit sa perang pinaghirapan ko. Ganun pala yon noh? Masarap sa pakiramdam na naggagawa mong nakikita mong unti unti ka ng umasenso at ikaw mismo ang nagpakahirap nun. Nasanay kasi akong nakukuha ko na ang lahat noon.
Marami na rin akong mga nakikilang mga kababayan sa France na siyang mga naging katuwang ko. Nakakatuwa lang isipin na nagtutulungan kami sa tuwing may kailangan ang isa't isa.
" Patch?" Rinig kong sambit ng isang familiar na boses.
Sa tinagal tagal kong lumayo at nihindi sila naggawang kontakin ng limang taon. Ngayon ko nalang ulit narinig ang boses na iyon.
Nilingon ko ang taong tumawag sakin. Nangingilid ang luha ko pagkakita ko sa kanya. Sobrang namiss ko siya, Hindi ko akalain na makikita ko siya rito. Ang laki ng pinagbago nito dahil sa proma nito ngayon masasabing napaka sopistikada na nito.
" Sky!" Tuwang tuwang tawag ko sa kanya.
Lumapit ito sakin at bumeso pa na agad kong inilayo ang sarili ko na ikinagulat naman nito agad.
" Anong amoy yon?" Maarteng saad nito.
Nahihiyang pinunasan ko ang basang kamay ko. Kakatapon ko lang kasi ng basura galing sa resto na pinapasukan ko. Iyon marahil ang naamoy nito.
Napakagat ako sa labi dahil sa nakakahiyang amoy ko. Ngayon ko na-realize na ang layo ko na nga sa dating Patch. Pero hindi ko ikahihiya ang trabaho ko dahil dito ako nabubuhay.
" Uhm...nagtapon ako ng basura baka yun yung naamoy mo." Alanganin akong ngumiti sa kanya.
Nakatitig lamang siya sakin na tila ba sinusuri nito ang kabuoan ko. Sa ganitong tingin ni Sky kabisado ko na yan nanlalait na yang gaga na yan. tsk di pa rin nagbago toh.
" Eto ang trabaho ko ulap tsk." Asik ko sa kanya.
" I know medyo stinky ka lang ngayon pero carry lang. Payakap ako." Excited pang turan nito at niyakap ako.
Kasuotan lang ang nagbago sa kanya pero yung pagiging childish niya minsan mukhang pang life time na tsk. Naiilang ako kaya naman agad akong lumayo sa kanya.
" Ano palang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya ng magkahiwalay kami.
Napatigil naman ito bigla kaya naman nagtataka akong nakatingin lang sa kanya. Mukhang problemado rin toh kaya nangibang bansa. Ang hilig ata naming mangibang bansa kapag problemado sa Pinas ha. Una si Vienna tas ako at mukhang si Sky ganun rin.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...