CHAPTER EIGHTEEN: CRAVINGS

669 20 1
                                    

Patch's POV

K I N A B U K A S A N

Maaga akong naggising bumungad sakin ang magandang mukha ni Montero na hanggang ngayon ay tulog pa sa tabi ko. Hindi ko siya pinauwi pagkauwi namin galing ng Ospital diretso kami rito sa condo ko at sa kwarto ko natulog.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit gusto kong laging nakadikit sa kanya parte pa rin ata ito ng pagbubuntis ko. Sumiksik muli ako sa kanya ng yakap habang ang mukha ko ay nasa favorite spot ko.

" Good morning." Husky na bati nito sakin at niyakap ako ng mahigpit.

" Morning." Bati ko sa kanya at kinagat ang leeg niya.

Narinig ko ang pag ungol niya na siyang nagpatindig ng balahibo sa katawan ko at pagbilis ng kabog sa dibdib ko. Bakit kailangan ganun siya ka-hot umungol. Shete. Nailayo ko ang sarili ko sa kanya.

" Magluluto na pala ako." Tarantang sambit ko at mabilis na tumayo.

Inayos ko ang nakaangat na damit ko at nagsuot ng tsinelas. Nagmamadaling tumakbo ako palabas ng kwarto ko dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko.

Napabuga ako ng hangin dahil sa tinding init na naramdaman ko pagkarinig ko sa ungol niya.

Agad akong nagtungo ng kusina at nagluto ng agahan naming dalawa. Naisipan kong magluto ng pancake para sakin at bacon and hotdogs naman sa kanya.

Busy akong nagluluto habang kumakanta ng Ikaw lang by Nobita. Nang marinig ko ang pagbaba ni Montero ng hagdanan ay nakangiting nilingon ko ito ngunit agad na naningkit ang mata ko ng makitang nakabihis ito.

" Hiniram ko itong oversized shirt mo and pati itong cargo pants mo buti kasya. May pupuntahan lang ako saglit." Pagpapaalam nito.

Tinaasan ko siya ng kilay habang naka crossed arms pa. Hanep naman talaga nitong taong toh pagkatapos kong lutuan ng agahan aalisan ako? At saan na naman ba ang punta nito sa babae na naman?

" Sinong kasama mo?" Cold na sambit ko habang nakataas pa rin ang isang kilay ko.

" Si C-chyenne." Utal na sambit nito.

" Nope, di ka lalabas ng bahay." Pagtatapos ko ng usapan at muling hinarap ang niluluto ko.

" Tsk! Mabilis lang naman ako." Pagpupumilit pa nito ngunit umiling lang ako sa kanya. " Para naman akong preso nito." Pagrereklamo pa niya.

" Still hindi ka lalabas." Seryosong sambit ko.

Pinatay ko na yung stove at inihain sa mesa yung mga niluto ko. Tinignan ko siya at sinenyasan na umupo na. Nagdadabog ang mga paa nitong lumapit sa mesa na akala mo bata.

" Please naman may plano kami ngayong araw." Pagmamakaawa nito.

Hindi ko ito pinansin bagkus inasikaso ko nalang yung sarili ko bago kumain ng umagahan. Bahala siyang mangulit dyan di ko siya palalabasin. Kanina pa nga lang na nagluluto ako namimiss ko na yung presensya niya tapos iiwan niya ako.

" Nagpromise na ako sa kanya na sasamahan ko siya sa resort nila ngayong araw." Again nagmamakaawa pa rin ito.

Inilapag ko ang kutsaritang pinanghalo ko sa tea na tinimpla ko bago walang emosyon na tumingin sa kanya.

" Okay." Seryosong sambit ko at sumubo ng pancake na niluto ko.

Para naman itong nabuhayan pagkarinig sa sinabi ko. Ngingiti ngiti itong umupo sa isang bakanteng upuan at kumain kasabay ko.

" Pero itatago ko sayo ang anak ko." Usal ko ng di sa kanya tumitingin kundi sa pagkain ko.

Narinig ko ang pagkaubo nito marahil nabilakuan dahil sa sinabi ko. Napangisi naman ako dahil sa reaksyon niya.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon