CHAPTER TWENTY-SIX: TRAGEDY

480 16 1
                                    

Patch POV

Hinila ako ni Aikee patungo sa itaas ng bahay ni Tobi. Sa sandaling ito ay nakakaramdam na ako ng takot dahil hindi pa rin tumitigil ang pagpapaputok ng baril ng kung sino.

Hindi ko maggawang bilisan ang pagtakbo dahil sa buntis ako. Inaalala ko ang baby namin ni Aikee. Pero sa sandaling ito mukhang Hindi iyon ang naiisip ni Aikee dahil ang bilis niya. Naghahanap ito ng pwede naming pagtaguan hanggang sa makarating kami sa isang silid.

" Magtago ka at subukan mong humingi ng tulong." Sambit nito sakin.

Nakatingin lamang ako sa kanya. Hindi ko maggawang sumagot dahil parang Hindi ma process ng utak ko kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon.

" Patch! makinig ka." Tawag nito sa atensyon ko.

" A-ano?" Parang tangang tanong ko.

" Humingi ka ng tulong. dala mo naman yung cellphone mo diba?" Tanong niya sakin.

Napailing ako dahil mukhang nahulog ko iyon kanina. Kinapkap nito ang pantaloon niya at agad na hinugot ang cellphone niya at binigyan sakin.

" Tawagan mo si daddy at humingi ka ng tulong agad." Sambit nito at akmang aalis na ng hilahin ko siya.

" Saan ka naman pupunta?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

" Kailangan ni Tobi ng tulong may tama siya sa balikat." Sambit niya na ikinalaki ng mata ko.

" Pero Delikado kung lalabas ka. " Sambit ko.

" Kaya ko ang sarili ko, Patch." Sambit nito. " Magtago ka at babalikan kita." Huling sambit nito at hinalikan ang noo ko bago umalis.

Walang naggawang naiwan akong nakatayo sa loob ng silid. Napatingin ako sa cellphone ni Aikee at agad na tinawagan ang number ni Tito Carlo. Di nagtagal ang pag ring ng cellphone nito at agad na sinagot.

" Aikee!"

" T-tito si Patch po ito. "

" Patch!? my goodness nasaan kayo?"

" Tito Hindi ko po alam kung nasan kami. Kailangan namin ng tulong."

" Okay stay on the line para matrace namin kayo."

Napatango na lang ako kahit hindi naman ako nito nakikita. Natataranta ako Hindi ko malaman ang gagawin ko. Kung susunduin ko ba ang sinabi ni Aikee o ang sundan siya. Sobrang nag aalala ako sa posibilidad na mangyare.

Eto yung kinatatakutan ko sa lahat. Kaya gusto kong mahuli iyon ni Arq noon ay dahil alam kong babalikan niya si Aikee. Si Aikee na dahilan kung bakit siya nakulong at kung bakit nawala sa kanya ang lahat.

Ayokong makita ulit si Aikee sa ganung kalagayan. Kaya sana mabilis na makaresponde ang mga hiningan ng tulong ni Tito Carlo.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ng marinig ko ang pagbukas nito. Nanginginig ang mga tuhod ko ng sandaling makita ko ng dalawang kalalakihan na parehong nakatakip ang mga mukha nito habang nakatutok sakin ang mga baril nila.

" Hulihin niyo yan!" Utos ng isang taong nasa likod pala ng dalawa.

Agad na lumpait sakin ang mga ito at hinawakan ako sa magkabilang braso ko. Sinusubukan kong pumiglas ngunit hindi ako makatakas.

" Maawa kayo sakin." Paulit ulit na pagmamakaawa ko sa mga ito habang nagsisimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

Ngunit tila hindi nila naririnig ang pagmamakaawa ko. Patuloy lamang sila sa paghila sakin. Nakita ko ang ilang mga kalalakihan ang nakahundusay sa mga dinaraanan namin ganun na rin ang tauhan ni Tobi na siyang kanang kamay niya.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon