CHAPTER FIFTEEN: WITH QB2

932 33 0
                                        

PATCH's POV

Makalipas ang isang linggo matapos kong mag alaga ng stupidang malandi na pasyente ay hindi na muli kami nagkitang dalawa. Pauwi palang ako ng Pilipinas dahil galing akong America dahil may inayos akong problema dun na kailangan ng presensya ko.

Nasa waiting area ako ng airport ng may pumarada sa harap ko na itim na BMW. Bumaba ang sakay nito. Bumungad sakin ang magandang ngiti ni Arq na naka plain white shirt na pinatungan nito ng Versace black leather jacket at Versace Black cargo pants. Angas ng dating talaga nito kahit kelan eh. Bagsak din ang maalon nitong buhok.

" Done checking me out, hon?" Sambit nito na may nakakalokong ngiti.

" Tsk! Panget ng porma mo today." Asik ko sa kanya.

Lumapit ito sakin at humalik sa pisngi ko bago kunin ang dala kong isang maliit na maleta. Kapag kasi pumupunta akong U.S konti nalang dinadala ko dahil may mga gamit pa naman akong naiwan sa bahay namin dun.

" As if naman na pumanget talaga ako, Patpat. Kahit anong porma ko pagtitinginan at hahangaan pa rin ako ng mga tao " Pagmamayabang nito na totoo rin naman.

" Ang conceited ha." Pang aasar ko rito na tinawanan lang naman niya.

Pagkatapos nitong ilagay ang mga gamit ko sa likod ng kotse niya ay agad ako nitong inalalayan papasok ng kotse niya. Sa totoo lang ay napaka gentlewoman ng babaeng toh na isa rin sa mga nagustuhan ko sa kanya. Di naman romantically yung pagkakagusto ko sa kanya kumbaga eh bilang isang kaibigan.

" How's your flight?" Tanong nito ng maistart niya ang makina ng kotse niya.

" Well as you can see safe naman ng naging flight ko kahit medyo nadelay because of the heavy weather in US. Nagsisimula na rin kasi yung snow dun." Mahabang lintanya ko.

It's 1st week of december na pala. Ilang weeks nalang at christmas na. Ang bilis matapos ng taon.

" Nga pala about dun sa pinapahanap ko sayo may balita na ba?" I asked her.

Napaayos ito ng upo at nagfake cough pa. Simula ng nabasa ko ang article about sa taong yun ay agad kong kinontak si Arq para hanapin iyon. Gusto kong makita ito at ako na mismo ang magpapakulong sa kanya muli. Ayokong magulo nito ang buhay naming lahat.

" Sa ngayon wala pa akong nakakalap na information but don't worry ako mismo ang maghahanap sa kanya." Seryosong turan nito.

Napatango na lamang ako sa sinagot nito sakin. May tiwala naman ako sa kanya na mahahanap niya ito. Hindi naman siya tataas sa rango niya kung hindi ito magaling na pulis.

" Let's eat first nagutom ako kakahintay sayo. Kaya dapat ilibre mo ko." Sambit nito at mabilis na iniliko ang kotse niya sa isang mamahaling restaurant.

Wala na akong choice kundi ilibre talaga siya. Agad kaming bumaba ng kotse pagkapark niya. Midnight Ai's ang pangalan ng restaurant na pinasukan namin.

Ang cozy ng paligid may mini stage sa gitnang bahagi at may grand piano ito na nagsisilbing ingay sa paligid. May magaling din kasing musikerong tumutugtog.

" Table for two please." Saad ni Arq sa lalaking nasa bukana ng pinto.

" This way ma'am." Iginaya kami nito sa papasok ng nasabing restaurant.

Nakaalalay naman si Arq sakin. Nakahawak ito sa bewang ko habang naglalakad kami papunta sa table kung saan kami ginaguide nung waiter.

Kung tutuusin ay masasabi kong ang romantic ng place na ito for couples. Rinig ko ring sambit ng waiter kanina ay may rooftop ito perfect para sa mga taong gustong magpro-propose.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon