CHAPTER ONE: SECRET FEELINGS

2.4K 48 0
                                        

Patch POV

" You may now kiss the bride." Anunsyo ng pari.

Agad akong lumingon sa taong katabi ko. Humarap din ito sakin at ngumiti. Kahit kelan talaga ay di kumukupas ang ganda nito sa tuwing ngumingiti siya. Tanging siya lang talaga ang nakakaggawang pagrambulin ang buong sistema ko. Ngumiti din ako sa kanya bago lingunin ang ngayo'y mag-asawa na Mrs. Vienna Song-Smith at Mrs. Zoelle Archiles Smith. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na yan ang tunay na pangalan ni Zoe.

Nagpalakpakan at naghiyawan kami nang magkiss ang bagong kasal. Makikita sa mata naming lahat ang saya dahil sa wakas ay nagkatuluyan din silang dalawa matapos nang mga nangyare in the past. Makikita rin ang pag-iyak ng parents ni Vee dahil sa tuwa at katabi rin ng mga ito ang kapatid niyang si Ate Psyche na nakangiti sa dalawa. Di ko pa rin lubos akalain na ganun pala ang pinagdaanan nito sa kamay ng dating asawa. Mabuti na lamang ay nailigtas ito ng kanyang kakambal ngunit sa kasamaang palad ay namatay.

Nang matapos ang kasal ay dumiretso na kami sa hotel kung saan gaganapin ang reception. Nauna kaming nakarating na mga bisita kesa sa mga bagong kasal at family ng mga ito.

" Hello girls, makikiupo ako ha." Nakangiting sambit ni Aikee na bagong dating, sinadya nitong tumabi kay Jani sa kabilang side.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagscroll na lamang ako sa cp ko. Tinitignan ko ang mga kuha ko sa kasal kanina bago ito ipost sa Instagram acc and facebook acc ko. at may caption pa itong. Happy wedding for my beautiful bitches friends Mrs. Vienna Song-Smith and Mrs. Zoelle Archiles Smith best wishes for the both of you. I can't wait for your little twins.

And yep five months pregnant na rin si Vee. Through IVF ang ginawa nilang mag-asawa and nito lang din namin nalaman na twins pala ang gusto nilang dalawa. Hindi na ako makapaghintay na makita ang magiging inaanak ko sa kanila. Soon makikita ko na ang little Vienna at little Zoelle.

" Ayiiee, May kachat?" Dinig kong sambit ni Jani na nasa tabi ko.

Nakangiting lumingon ako sa kanya halos tumigil naman ang paghinga ko dahil sa ngiti nitong may bahid man ng pang-aasar ay talagang nakakapagpabilis naman ng puso ko. Lalo pang bumilis ang kabog sa dibdib ko ng lumapit siya patungo sakin I mean upang silipin yung cp ko.

" Oh! my bad you're just posting lang pala." Sambit niya.

Ang bango ng ulo niya amoy na amoy ko ang lavander ng gamit niyang shampoo. Napakasarap niyang amuyin nakakaadik ang dating ng buhok niya.

" Hey are you okay?" Sambit nito.

Tila naman ako natauhan mula sa isang magandang panaginip. Umayos ako ng upo at tinignan siya. Nakakunot ang noo nito sakin na parang sinusuri nito kung ayos lang ba ako.

" Ahh yeah I'm alright." Sambit ko.

Buti nalang ay hindi ako nautal dahil sobrang bilis ng kalabog ng dibdib ko. Masyado pa rin kasi siyang malapit hinihiniling kong hindi niya sana naririnig kung gaano kalakas yung tibok ng puso ko.

Matagal na akong may gusto sa kanya pero wala pa ring nagbabago sa mararamdaman ko. Mas lalong lumalala pa nga yata ang feelings ko para sa kanya. Minsan naiisip ko na hindi kaya sumasagi sa isip niya na may nararamdaman ako sa kanya? All those years na nagkasama kami through ups and downs sa buhay niya ay nandun ako. Hindi niya lang ba napapansin yung care ko sa kanya romantically? Sadyang manhid lang ba siya o sadyang dinidedma niya lang?

Minsan nag-eefort ako ng more than a friend sa kanya. Nagbibigay ako ng gifts kahit walang okasyon minsan nga ay dinadaan ko sa pang-aasar na baka mahulog siya sakin, ngunit lagi lang akong nakakatanggap ng irap sa kanya then she always answer me na " Never mangyayare na mahulog ako sa kapwa ko babae."

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon