Patch POV
Lumipas ang isang linggo simula ng huling bisita ni Arq sa ospital. Walang text o tawag mula sa kanya. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin na makausap siya ngunit mukhang hindi pa siya handa ngayon o baka sadyang busy lang siya kaya hindi nagpaparamdam.
Ayokong masaktan si Arq pero hindi ko din maggagawang paasahin siya sa bagay na mas lalong ikasasakit niya. Mabuting kaibigan ko siya at hanggang dun lang ang tingin ko sa kanya.
Maraming bagay ang pwedeng hangaan sa kanya lalo na ang pagiging caring niya. Pero hindi ko nakikita yung sarili ko na mahalin siya gaya ng pagmamahal ko kay Aikee.
" Nakahanda na po ang lahat ma'am." Sambit ni kuya Cesar ang bagong family driver namin.
Ngayong araw namin ilalabas si mommy sa ospital. Sa bahay na siya magtetherapy dahil yun na rin ang sinuggest ng doctor samin. May isang nurse ang mag aalaga sa kanya dun at pansamantalang dun na rin ako uuwi sa mansyon nila mommy habang nagpapagaling ito.
Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makarating ng mansyon nila mommy. Dahan dahan na inakay ng nurse si mommy paupo sa wheel chair nito. Akmang ipapasok na ito ng nurse sa loob ng pigilan ko siya.
" Ako na." Nakangiting saad ko at kinuha sa kanya ang handle.
Dahan dahan kong ipinasok si mommy sa loob. Lahat ng katulong namin ay nasa entrada ng bahay. Mga nakangiti ito kay mommy halatang masaya silang lahat na ayos na si mommy kahit pa naka wheel chair ito.
Sa pagpasok namin ng sala hindi namin inaasahan ang mga taong bumungad samin. May dala silang banner na nakasulat na "welcome back." At sabay sabay pa nila iyong isinigaw.
Hindi ko ineexpect na makita sila ritong lahat pati na rin ang mga parents nila na masayang sinalubong si mommy ng yakap at beso.
Sobrang saya ko sa sandaling nakita ko ang mga ngiti sa labi ni mommy. Alam kong sobrang saya niya dahil may mga taong naghintay na makabalik siya. Hindi ko alam ang sasabihin sa mga taong nagplano ng bagay na ito para sa mommy ko. Sobrang pinasaya nila kaming dalawa.
" Nasurprise ka rin ba?" Nakangiting bungad sakin ni Aikee habang nakahawak pa sa bewang ko.
Tumango ako. " Sino ang nagplano nito?"
" Sila." Sambit niya habang nakaturo sa mga kaibigan ko na masayang nakikipag usap kay mommy.
Parang may humaplos sa dibdib ko at kusang napangiti ako sa mga kaibigan ko. Talagang magkakapatid na ang turingan naming apat. Madalas man ang pagiging bitchesa ni Vienna, Ang pagiging cold ni Raegan at pagiging isip bata ni Sky pero hindi nawawala sa kanila ang pagmamahalan namin hindi lang saming magkakaibigan pero pati na rin sa mga magulang ng bawat isa pwera sa parents ni Raegan.
Natawa ako ng maisip ko ang parents ni Raegan. Sa lahat kasi ng magulang namin kay Raegan yung sobrang nakakatakot. Napaka seryoso ng pamilya niya kaya pati iyon namana niya. Sobrang strict din nila at nakakatakot lalo kapag hindi nasusunod ang gusto nila.
" Bakit ka tumatawa?" Tanong nitong katabi ko.
Napailing ako." Wala may naisip lang." Ngiting sambit ko.
" Tsk napatawa ka pagkatapos mong makita yung Arq na yon?" Bakas ang inis na saad nito.
Nagtatakang napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya. " Pinagsasabi mo dyan?" kunot noong tanong ko.
" Magsama kayo ng Arq na yon." Cold na sambit nito at iniwan ako.
Hindi makapaniwalang sinundan ko siya ng tingin pagkatapos niya akong iwan. Muli kong binaling ang tingin sa mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila nakita bagkus nakita ko si Arq na siyang nakikipag usap na kay mommy ngayon.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...
