Patch's POV
Lumipas ang tatlong araw at nandito pa rin ako sa ospital. Mas pinili kong dito magpalakas kesa umuwi dahil gusto kong makita si Aikee.
Pinayagan ako ng parents ko na puntahan siya ngunit kada wala lamang si Tito Carlo. Sinabi nila sakin na ako na naman ang sinisisi sa kung anong nangyare Kay Aikee at sa anak namin.
Halos madurog ang puso ko ng sabihin iyon sakin ng parents ko. Hindi ko naman ginusto itong nangyare samin lalo na ang mawala ang anak ko. Gusto ko siyang kausapin at ipaglaban ang sarili ko ngunit hindi ako pinapayagan nila Mommy.
Hindi niya alam ang pinagdaraanan ko ngayon para ako ang sisihin niya sa nangyare samin. Mahirap ang mawalan ng anak lalo na sa isang Ina na siyang nagdala sa sinapupunan nito. Hinihiling ko na Lang na sana panaginip na lang lahat ng ito at maggising na sa realidad ngunit ito na yung realidad. Isang realidad na hindi gustong mangyare ng isang Ina.
" Patch!" Nag aalalang sambit ni Jani.
Mabilis itong lumapit sa kama ko at yakapin ako. Marahan ko rin itong niyakap at nagsimula ng bumuhos ang luha ko.
" I'm so sorry di ako agad nakadalaw sa inyo." Sambit nito. " Nabalitaan ko rin ang nangyare sa baby niyo." Malungkot na sambit nito.
Napahigpit ang yakap ko sa kanya dahil naaalala ko na naman ang anak ko. Walang araw na hindi ako umiiyak simula ng maggising ako. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na wala na siya.
" Hindi ko pa rin kayang tanggapin." Humahagul golf na Saad ko.
Naramdaman ko ang paghaplos ni Jani sa likod ko para patahanin pero hindi ko kayang pigilan yung sarili ko.
" A-anak ko yun, Jani. Ilang buwan ko siyang dala dala. Ang sakit sakin bilang Ina niya na mawala siya samin ng ganun nalang." Madamdaming Saad ko habang patuloy pa rin sa pag iyak.
" Wala man ako sa sitwasyon mo pero ramdam ko yung sakit na pinagdaraanan mo, Patch." pagdamay nito sakin.
" Jani, Hindi ko toh kayang sabihin kay Aikee. Hindi pa man lumalabas Ang anak namin pero minahal namin siya ng sobra." hindi ko na alintana ang tulo ng mga luha ko o kahit ng sipon ko sa balikat niya.
" Kapag naggising siya mas magandang nasa tabi ka niya. I know mahirap sa inyong dalawa dahil parehas kayong nasasaktan pero kakayanin niyo yan. Nandito rin kaming mga taong nasa paligid niyo." Turan nito.
Hinarap ako ni Jani para punasan ang mga luha ko. Kita ko rin ang lungkot sa mukha nito. Ngayon ko lang din napansin ang pangangayayat nito.
" Hindi ko akalain na minahal niyong dalawa ang isa't isa. Parang kelan lang ako pa yung pinag aagawan niyo." Marahan pa itong natawa tila pinapagaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko rin naiwasan ang matawa dahil sa sinambit nito. Naalala ko tuloy kung paano kami maging magkaribal ni Aikee. Nakakatawa ngang talaga kung iisipin na Yung dating karibal ko eh minamahal ko ngayon though may past kami na hindi nakalimutan niya.
" At kung kelan handa na akong iparamdam sa kanya yung pagmamahal ko nahuli na ako. " ang kaninang tawa nito ay napalitan ng lungkot.
Napatingin ako sa gawi niya. Nakangiti ito sakin ngunit mahahalata ang lungkot sa mga mata niya. Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi niya ngunit mabilis niya itong pinunasan.
" Jani." Usual ko.
" Ano ba toh dapat di na ako umiiyak eh." Sambit nito na pinipigilan ang pagtulo ng luha niya. " Sabi ko tanggap ko na eh. Kasi mas deserve niyo ang isa't isa eh. Hay nako." Nakangiting sambit niya.
Akmang yayakapin ko na sana si Jani ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad samin ang mukha ni Vienna na tila ba natataranta ito.
" Patch!" Bungad nito at hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romansa[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...