WARNING ⚠️
Aikee's POV
" Tobi."
Pagkasabi niya ng pangalang iyon ay nakaramdam ako ng pagkirot sa sintido ko. Sa sobrang sakit ay napaupo pa ako sa sahig.
" Ai, Okay ka lang?" May pag aalala sa boses nito.
Naramdam ko ang paglapat nito sakin ngunit hindi ko ito maggawang tignan. Muling kumirot ang sakit sa ulo ko kaya napapikit ako at Maya Maya lang ay may nakita akong pigura ng taong palapit sakin.
F L A S H B A C K S . . .
" Kung Hindi ka lang sana nakialam." Naramdaman ko ang pagsabunot nito sakin habang matatalim ang tingin.
Pilit akong nagpupumiglas ngunit sobrang higpit ng hawak niya sa buhok ko. Nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa upuan. Ramdam ko rin ang init sa buong mukha ko na pinagsusuntok nito kanina.
" Bitawan mo ko please." )agmamakaawa ko rito.
" Masarap sa tenga ang pagmamakaawa ng isang paslit na gaya mo Montero." Nakangising sambit nito. " Ngunit mas masarap sa tenga sa tuwing dumadaing ka ng sakit." Muli nitong hinila ang buhok ko kasabay ng malakas na sampal.
Sa sobrang lakas ng sampal na iyon ay tumaob ang upuan na kinauupuan ko. Dumausdos ang mukha ko sa maalikabok na sahig ng abandonadong lugar.
" Alam mo wala ka naman sana dito kung hindi madaldal ang bunganga mo." Naramdaman ko ang paa nito sa aking likuran.
Napadaing ako ng sakit dahil para ng mababali ang mga buto ko sa likod sa sobrang diin ng apak nito sakin.
Ilang beses pa ako nitong sinaktan hanggang sa Hindi na kinaya pa ng katawan ko at dumilim ang paligid ko.
Muling nagkaron ng liwanag at iba na Ang nakikita ko sa paligid ko. Nasa isang madilim na kalye ako habang naglalakad. May nakita akong isang puting kotse at pamilyar ito sakin. Lalapit na sana ako para batiin ang taong bumaba mula rito ngunit agad na natigilan ako ng may kunin itong sako mula sa likod ng kotse nito at inihagis na lamang ito sa madilim at matalahib na bakanteng lote sa lugar namin.
Muli ay nagkaron ng panibagong sitwasyon akong nakita sa isip ko. May mga kasama akong bata. Si Vienna, Patch, Jani at isang batang lalaki. Naglalaro kami nang bigla kaming nakarinig na malakas na tili sa di kalayuan.
Agad kaming nagsitakbo mula sa kinaroroonan ng taong sumigaw. Maraming tao na rin ang lumabas mula sa kani kanilang bahay. Nang makarating kami sa lugar kung saan may tinapon ang taong nakita ko ng gabing iyon ay maraming tao ang nagkukumpulan.
" Hindi ba si Flora ang taong yan?" rinig kong sambit ng isang ale na kapitbahay namin.
Agad na napalingon kaming mga bata sa batang lalaki. Tulala lamang ito habang nakatingin sa Sako na naglalaman ng katawan ng isang babae.
" M-mommy?!" Sambit nito at akmang lalapit sa kanyang Ina ngunit inawat ito ng mga tao.
Malakas na iyak ng batang lalaki ang narinig namin. Tanging pagdamay lang ang ginawa naming magkakaibigan upang patahanin siya ngunit kahit anong gawin namin ay hindi ito matigil sa pag iyak.
" Tahan na Tobi." Sambit ni Jani na siyang may yakap sa batang lalaki.
Muling kumirot ang ulo ko at bumalik ako sa lugar kung saan nakagapos ang mga kamay at paa ko. Nakangising lalaki ang bumungad sakin at sa di inaasahang ay pinaso nito ang binti ko gamit ang baga ng kanyang sigarilyo.
Napadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong umiyak at sumigaw ngunit sa pagkakataong ito ay may busal na pala ang bunganga ko.
" Nang dahil sayo nasira ang mga plano ko! Lahat ng Ari Arian na pinundar ko ay nawala dahil sa bunganga mo!" Malakas na sinampal ako ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Roman d'amour[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...
