Aikee's POV
Kahit labag sa loob ko ang paggising ng maaga ay wala naman akong maggagawa dahil kailangan. Kundi lang dahil sa nangyare last week ay hindi ako mapaparushan ng ganito. Sino ba naman kasi ang siraulong taong iyon ang nagvideo saming dalawa ni Jani na nagkakagulo sa loob ng Larqueza's mall? Nakarating tuloy kanila Daddy ang gulong kinasangkutan ko at walang pasabing umuwi rito sa Pilipinas para bigyan ako ng leksyon.
Kaya eto no choice ako kundi gawin ang bagay na pinaka ayokong gawin buong buhay ko. Hindi naman related sa business ang tinapos ko kaya wala akong kaalam alam sa pagpapatakbo nito.
Hindi ko pa matanggap kung bakit kailangang si Patch pa ang magtetrain sakin? Like what the heck!? Nakakainsulto yun sa part ko sa totoo lang dahil kasing edaran at kababata ko pa. Parang gusto ni daddy na ipamukha sakin na yung dating kaibigan ko eh successful na and ako ganito pa rin. Tsaka sa dinami rami ng mga taong kilala kong nasa business world eh bakit sa karibal ko pa? Bakit hindi kay Vienna o kaya kay Raegan? Di hamak na mas angat naman ang dalawang yun kesa kay Patch tsk.
Inis na bumangon ako ng higaan ko at tamad na tamad kung kumilos. Nang matapos akong mag asikaso ng sarili ko ay agad akong bumaba para kumain ng almusal. Bumungad sakin si daddy na kumakain na sa mesa at naka office attire na rin.
" Bilisan mo ang pagkilos mo dapat masanay kang maging maaga dahil kapag ikaw na ang CEO ng company natin dapat ay sakto sa oras ang pasok mo." Sermon ni Daddy.
Napairap nalang ako bago umupo sa tabi niya. Ang aga aga nanenermon na naman siya ang sarap na almusal ng sermon niya.
" And besides mahiya ka kay Patch kung late kang darating sa office niya." Segunda pa nito.
Tsk! Wala naman akong pakealam sa babaeng yun. Ano naman sa kanya kung malate ako? Baka nga matuwa pa yun kung hindi ako ang bubungad sa kanya sa umaga. Tsaka hindi ko naman ginusto yung bagay na toh kundi lang naman niya hawak ang mga bank account ko pati na rin ang sariling sasakyan ko hindi ko naman susundin tong punishment kuno ni daddy.
" Okay." Tanging sagot ko lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pagkarating ko sa company ng mga Larqueza ay agad akong nagtungo sa office niya. Maraming mga empleyado ang napapatingin sa gawi ko. Ang ilan sa kanila ay makikitaan mo ng di pagusto sa kanilang mukha. Marahil ay napanuod nila ang video na kumalat sa socmed nitong nakaraang linggo. But I don't care kung hate nila ako. Sino ba sila? Mga di hamak na empleyado lang naman sila rito.
Naka poker face ang mukha kong naglakad patungo sa pintuan ng office ni Patch. Bumungad sakin ang secretary niyang halatang kararating lang.
" Good morning, Miss Montero." Tila naiilang na bati nito sakin.
" Morning." Balik na bati ko sa kanya. " Nandyan na ba yung boss mo?" Seryoso lang na sambit ko.
" Wala pa po Miss Montero." Magalang na turan nito.
Tsk! See kahit na CEO na rin si Patch dito sa company nila ay nalilate rin naman siya. Hindi naman big deal ang malate sa isang boss ng company noh masyado lang OA si dad.
Sumandal nalang muna ako sa mesa ng secretary ni Patch habang hinihintay ito. 9:07am na pero wala pa rin siya. Habang naghihintay ako rito ay panaka naka akong tumitingin sa mga taong dumaraan sa harap ko. Makikita ang pagiging busy ng karamihan sa kanila.
" Himala na maagang pumapasok ang isang Aikee Montero." Rinig kong sambit ng kung sino. " Mukhang ginipit ka ni tito kaya nagpapakitang gilas ka. "
Napaangat ang tingin ko sa taong nagsalita. Nakangising demonyo ito sakin na tila ba nang aasar pa. Inirapan ko siya bago tumayo sa kinauupuan ko at mayabang na inayos ang suot kong blazer.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...