Patch POV
Natapos ang usapan sa office ni daddy na di na masyado pang umiimik si Aikee at sa huli ay pumayag rin si dad na hindi muna pag usapan ang kasal lalo at sinabi ni mommy na hintayin nalang ang paglabas ng baby namin para sexy naman daw ako sa pagsuot ng wedding dress.
Si Tito Carlo naman ay agad na umalis ng bahay pagkatapos ng usapin. May pagbabanta pa ang mata nito sakin bago pa man siya tuluyang nakaalis ng silid ni dad.
" Bakit gising ka pa Patpat?" Bungad sakin ni mommy rito sa may bar stool.
Dito na muna raw kasi kami sabi ni mom kahit isang araw lang kaya pinagbigyan na namin ni Aikee. Nandito ako sa kusina nilalantakan ang durian na pinabili ko kay Manang dahil hanggang ngayon ay hindi ako iniimik ni Aikee.
" Nagutom lang mom." Marahang ngiti ko sa kanya na pilit tinatago ang tunay na nararamdaman ko.
Pilit kong kinakausap si Aikee kanina ngunit hindi talaga ako nito pinapansin. Kapag may pinapasuyo ako ay susunod naman siya ngunit nihindi makatingin sakin. Nagtaayampo siya alam ko per hindi ko naman ginusto na hindi muna pag usapan ang kasal namin.
" May bumabagabag ba sayo?" Tanong ni mommy sakin.
" Nothing Mom." Sambit ko.
Alam ko naman kabisado na ako ni mommy kung kelan ako may tinatago, nagsisinungaling o hindi.
" Oh siya hindi na kita tatanungin pa tungkol dyan. Alam mo naman na hindi ako maniniwala sayo. " Ngiting nakakaunawang sambit ni mom. " Pero alam mo nung ganyan na pinagbubuntis kita sobrang saya ko. Mahirap, pero sa tuwing nararamdaman ko ang likot mo sa loob ng tyan ko walang katumbas na saya ang naramdaman ko. Nasa loob ka palang kilala na kitang bata ka." Bakas ang saya sa mukha ni mommy.
" Paano ba maging isang mabuting magulang mom?" Tanong ko rito.
Syyempre ito ang unang beses na nagbuntis ako att malamang unang beses na magiging magulang kaya need ko si mommy para malaman ko ang tungkulin ng isang mabutting magulang.
" Hindi madali maging isang magulang, Patpat." Sambit nito habang hinahaplos nito ang buhok ko. " Marami kang dapat na isakripisyo para sa anak mo. Ang pagiging isang mabuting magulang ay wag na wag mong kakalimutan na maiparamdam sa kanya ang pagmamahal at pag aalaga mo. Ikaw ang dapat magiging unang tagahanga niya. Ikaw ang magiging gabay niya anak. May kasiyahan rin naman ang pagiging isang magulang at iyon ay ang makitang masaya siya sa bawat pagdaraanan niya."
May kung anong humipo sa dibdib ko dahil sa sinabi ni mommy. Napangiti ako dahil ganun ang mommy ko. Nag iisang anak nila ako at naibigay nila yung pagmamahal ag pag aalaga ng isang magulang kahit na sobrang busy sila sa work dati.
" Thank you, Mom." Buong pusong sambit ko at niyakap siya.
" I love you baby Patpat." Hinaplos nito ang likod ko kaya mas napaiyak ako ng tuluyan.
Sobrang sarap sa pakiramdam na mayakap ang mommy ko at nakapag usap ng ganito kaseryosong usapan.
" I know na magiging mabuting ina ka sa maagiging anak niyo ni Aikee. And hindi naman ako o kami ng daddy mo mawawala kaya nandito lang kami kapag kailangan niyo ng tulong." Saad pa ni mommy habang pinupunasan nito ang luha sa pisngi ko.
Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. Pangako anak magiging mabuting mommy kami ng mama Aikee mo sayo. Mamahalin ka namin ng lubos at ibibigay ang lahat ng pangangailangan mo kaya kapit lang baby.
Nang matapos ang drama namin ni mommy sa kusina ay agad na rin akong umakyat sa kwarto ko kung nasaan si Aikee. Sana naman ay pansinin na niya ako. Pagbukas ko ng pintuan bumungad sakin ang madilim na silid mukhang tulog na siya kaya naman dumiretso na muna ako sa bathroom para mag half bath. Pagkatapos ay agad akong tumabi kay Aikee na nakahigang nakatalikod sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romans[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...