CHAPTER TEN: IWASAN MODE

627 22 3
                                    

Patch POV

Lumipas ang isang linggo simula nung surprise birthday party ko. Hanggang ngayon ay hindi ko sinasagot ang mga call nila daddy. Galit pa rin ako sa kanya dahil sa bwisit na kasunduan na yan.

Isa pa yung si Arq na yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinokontak kung may naisip na ba siyang paraan. Isang linggo na rin akong nag iisip ng paraan pero wala pa rin talaga and di lang din yun yung iniisip ko kundi yung company rin.

" Ma'am here's a report of accounting department for this month." Saad ng supervisor ng accounting department.

" Just put it down here." Sambit ko ng hindi siya tinitignan habang nakaturo sa mesa ko.

Inilapag nito ang mga papel sa mesa ko at agad kong sinabihan na makakaalis na siya na agad naman niyang tinugon.

Muling bumukas ang pintuan ng office ko pero hi di ko na ito pinagtuunan pa ng pansin dahil sa mahalagang binabasa ko.

" Larqueza." Rinig kong sambit ng taong isang linggo ko na ring iniiwasan. Kabit hi di ko ito lingunin ay kilala ko na ang boses nito.

" Are you done with that I asked you to do?" I asked while not looking at her.

" Nope." Maikling sagot nito.

" Ms. Montero, I need that report ASAP." I said in serious tone.

" Let's lunch outside then I'll finish it later." Seryoso ring turan nito.

Napaangat na ang tingin ko sa kanya. Sumandal ako sa swivel chair ko habang seryosong nakatingin sa kanya. Ilang beses na niya akong inaayang kumain sa labas ngunit niisang beses ay hindi ako tumugon sa alok niya.

" Stop playing around, Ms. Montero. I don't have time with your game." Nakataas ang isang kilay na sambit ko sa kanya.

Nakita kong napalunok ito ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ito. Kahit kelan ay stupida talaga ang babaeng toh hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko siya.

Iniba ko na rin ang office niya. Inilagay ko siya sa marketing department at si Mr. Cuenva na ang may hawak sa kanya.

" Lunch first, Ms. Larqueza." Tila hindi ito natakot sakin.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa ko. Nakita kong nagmessage si Arq.

      Arq
09*********

I'm here at Larqueza's cafe.
let's meet.

Agad akong nagreply sa kanya ng Okay bago ko isuksok sa bag ang cellphone ko. Tumayo ako at naglakad palapit sa pintuan.

" So pumapayag ka na maglunch tayo?" May ngisi sa labing tanong ng Stupidang si Montero.

" Follow me." Seryosong saad ko.

Isasama ko nalang siya para di na masayang yung oras ko at gawin n la nito ang inuutos ko sa kanya. Malawak ang ngiti sa labi nito habang naglalakad kami patungo ng elevator.

" Weird ka na dati mas naging weird ka pa ngayon." Asik ko.

" I'm cool, Larqueza." Ngiting saad nito.

" This is the last time na maglalunch tayo ng sabay." I said.

Nawala naman ang ngiti sa labi nito matapos kong sabihin yon. Agad akong lumabas ng elevator ng tumungtong ito sa ground floor kung nasaan ang kotse ko. Hinagis ko sa kanya ang susi ng kotse ko.

" At Larqueza's Cafe." Utos ko sa kanya.

Ngingiti ngiti naman itong nasalo ang susi at agad na pinagbuksan pa ako ng pinto ng passenger seat. Tsk. Pairap na sumakay nalang ako sa loob ng kotse. Tinext ko ulit si Arq na on the way na ako.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon