Patch POV
Simula ng araw na yun ay hindi na rin ako iniwan ni Aikee rito. Tinutulungan niya ang ilang mga maid sa pag aasikaso ng mga pagkain ng bisita.
Tatlong araw na rin na dito ako natutulog kasama siya pero hindi pa rin kami nakakapag usap dahil sa sobrang busy namin dahil maraming bisita ang dumarating para makiramay samin.
Atsaka hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin gayong hindi ako handa sa muling pagkikita namin. Lalo sobrang laki ng pinagbago niya. Kada isang tanong, Isang sagot nalang din siya sa mga taong kumakausap sa kanya kaya hindi ko siya maggawang kausapin dahil natatakot ako.
" Coffee?" Alok sakin ni Arq ng hawak nitong kape.
" thank you." Nakangiting inabot ko ang hawak nitong kape.
" Lumalaki na yang eye bags mo natutulog ka pa ba?" Nag aalalang tanong nito sakin.
" Andaming gumugulo sa isip ko kada gabi, Arq. Hindi ko alam kung anong uunahin ko." Saad ko.
" Hindi mo kailangan sabay sabayin ang lahat ng problema mo, Patch. Isa isahin lang muna natin. Pagkatapos nitong kay Tito tutulungan kita sa pag aasikaso ng kay Tita. Nandito lang ako palagi, Patch." Masuyong sambit ni Arq habang ang mga mata nito ay nakatuon lang sakin.
Iginaya nito ang ulo ko sa balikat niya. Hindi na ako umangal pa dahil kailangan ko rin ng taong masasandalan ngayon. Habang nalalapit ang mga huling araw ni daddy mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
" Salamat, Arq. " Marahan akong ngumiti sa kanya.
" Ehem, Is this seat taken?" Rinig kong sambit ng pamilyar na boses.
Napaangat ang tingin namin sa kanya. Ganun nalang ang kaba sa dibdib ko ng masilayan ang mala yelong mata nitong nakatingin sakin. Napaayos ako ng upo at napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag sabayan ng tingin sa mga mata nito.
" Hi---" Sasagot sana si Arq ngunit natigilan ito ng bigla na lamang itong umupo sa katapat kong upuan kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang.
" Patch, what do you want to eat?" Tanong ni Arq sakin.
" I'm good, Arq salamat." Nakangiting sagot ko kay Arq.
" Kape lang ang almusal mo ngayon. You need to eat more ang payat mo na agad wala pang isang linggo ng sunduin kita sa France ganyan na agad yang katawan mo." May pagdiin pa ito sa pagbanggit ng salitang FRANCE na tila ba pinaparinig niya ito sa. taong kaharap namin.
Pasimple kong kinurot ang legs nito para magtigil siya. Mas lalo niyang pinapalala ang pagkailang ko sa taong kaharap ko. Hindi ko nga siyang maggawang harapin paano nalang kapag nagkausap pa kami?
" Sige na ikuha mo nalang ako ng kahit ano dun." Utos ko rito. Akmang tatayo na ito ng hilahin ko siya palapit sakin para bulungan. " Humanda ka sakin." Pagbabanta ko rito.
Pasimple ko siyang itinulak palayo. Nagkibit balikat lang ito bago naglakad patungo sa catering. Lalo akong nakaramdam ng pagka awkward ng maiwan na kaming dalawa. Humigop ako ng kape para hindi naman kami mukhang estatwa rito.
Habang umiinom ako ng kape napagmasdan ko ang mukha nitong tila wala namang pake sa paligid niya. Nakatingin lamang ito sa hawak na cellphone at nag sscroll lang habang naka crossed legs pa ito.
Parang saming dalawa ako lang ata ang nakakaramdam ng pagkailang samantalang siya ang normal lang ng ginagawa niya. Nakaramdam ako ng pagkainis dahil parang wala lang ako sa kanya.
Hindi ko sinasadyang pabagsak ko palang naibaba yung mug na hawak ko na naglikha ng ingay sa mesa.
" ahmm... s-sorry." Hinging paumanhin ko.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romance[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...