CHAPTER TWENTY-THREE: DEATH THREATS

529 20 1
                                    

Patch POV

Lumipas ang isang linggo simula ng araw na yun. Sa loob ng isang linggong iyon ay wala na akong naging balita pa kay Aikee. Hindi ito pumupunta rito sa mansyon.

Napabuga nalang ako ng hangin habang nakatambay rito sa veranda ng kwarto ko. Hindi man lang ba niya ako iniisip? Nakaggawa na ba siya ng desisyon? Siguro masaya na siya kasama si Jani.

Eto na naman yung pamilyar na kirot sa dibdib ko ng maisip ang bagay na yon. Siguro nga ay mahal niya ako pero mas lamang ang pagmamahal niya kay Jani. Sabagay sino nga ba naman ako? Ako lang naman yung naanakan niya at natutuhan lang mahalin samantalang si Jani ang totoong mahal nito sa matagal na panahon.

Hinaplos ko ang tyan ko habang nakatingin rito. Sana baby mas kumapit ka pa sorry kung naistress si mommy. Nakaramdam ako ng kaba sa di ko alam na dahilan.

" Hey, are you alright?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsallita. Agad na napalingon ako sa gawi ng taong nagsalita sa likod ko. It was my mom. May taka sa mukha nito at tinignan ang cellphone kong nabitawan ko.

" You look pale, is there a problem?" Muling tanong nito sakin.

" I-i'm alright mom." Nauutal pang sambit ko.

" You sure?" Tanobg muli ni mom na sinundan ako.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot bago pumasok sa loob ng kwarto ko at naupo sa gilid ng kama ko habang pinaglalaruan ang cellphone na hawak ko.

" Oh! I forgot Arq is here she's looking for you." Tila napalitan ng magandang ngiti ang mukha ni mommy.

Ang tagal na rin pala simula nung huli kaming magkita nung tumakas pa ako kay Montero nun. Isa rin tong babaeng toh di rin nagtetext sakin. Ganun ba talaga kapag parehas na may hotdog? Tsk mga pinag iisip ko.

Bahagya akong natawa sa naisip ko kaya ng lingunin ko si mom ay tila nawiweirduhan ang mukha nito.

" Pakisabi bababa na po ako." Tatawa tawang sambit ko.

" Crazy preggy." Asik ni mom at iiling iling pa bago lumabas ng kwarto ko.

Siguro nga baliw na ako. Kanina lang takot ako, ngayon tatawa tawa. Kasalanan toh ni Montero eh kundi dahil sa kanya na isang linggo ng hindi nagpaparamdam mukhang matutuluyan na akong mababaliw.

Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako nagpasyang bumaba para kitain si Arq. Buti naisipan niya akong bisitahin dito ngayon.

Bumaba ako sa hagdanan at nakita kong nasa sala si Arq habang nakakunot ang noo nito at may kausap sa cellphone niya. Nakangiti ako sa kanya dahil kahit nakakunot na ang noo nito ay mas dumagdag lang ang lakas ng charisma nito.

She's signaling me to wait bago niya tinapos ang pakikipag usap niya sa cellphone niya. Lumapit ako sa gawi niya at umupo sa single sofa habang siya ay nasa mahabang sofa.

" Napadalaw ka, tagal nating di nagkita." Nakangiting bati ko sa kanya.

Ngumiti ito sakin at bumeso bago umupo sa pwesto nito kanina. Mukhang may bago sa babaeng toh ha. Ang blooming eh mukhang inlove na toh ha.

" Inlove ka?" Walang prenong tanong ko sa kanya.

Napakunot ang noo nito at tinungga ang tea na halatang hinanda ng maid namin dito sa mansyon. Nginitian ko siya ng nakakaloko dahil sa reaksyon niya.

"I'm not." Deny pa nito at inirapan ako.

" Sus, Ayaw pa umamin. Sino ba ang malas na babaeng yun? Isang linggo ka ring walang paramdam mukhang busy sa buhay pag ibig ha." Pang aasar ko pa rito habang nagtataas baba ang dalawang kilay ko.

Bitter DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon