Patch POV
Naggising ako ng tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong inabot na nasa side table ko. Pupungas pungas na sinagot ko ang tawag mula rito.
" Good morning Bitch!" Mala Bretman Rock na bati nito sakin.
" Ang aga aga nambubulahaw ka." Inis na turan ko.
Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot ito dahil sa biglang paggising ko. Lintek na Skyler toh alas 4 pa lang ng madaling araw.
" Hindi ako makatulog eh kaya mang iistorbo ako ng tulog dzuh." Maarteng turan nito.
" What the fck? You are such an asshole, Bitch." Inis na sambit ko at inis na pinatay ang tawag nito.
Nakakabwisit yung taong yun tatawag lang para sabihing di siya makatulog nandadamay pa. Sampalin ko siya ng dos por dos eh. Inis na umayos ako ng higa ngunit hindi na ako dinalaw pa ng antok.
Kasalanan niya kapag malaki ang eyebags ng anak ko pagpalabas sasampalin ko siya ng nung Hermes ko na sandals sa mukha.
" Argh! Nakakainis ka talagang langit ka." Inis na napaupo ako sa kama habang busangot ang mukhang sumandal ako sa head board ng kama ko.
" I swear I gonna kick your ass when I i see you." Bulong kong banta sa babaeng yon.
Ilang oras palang ang naitutulog ko dahil nanuod ako kanina sa netflix tapos naistorbo pa ng babaeng yon. Napatingin ako sa taong katabi ko rito sa kama ko. Buti pa siya malalim na ang tulog niya samantalang ako dalawang oras palang naitutulog ko.
Umunat ito at bumaling ito sakin at niyakap ang legs ko. Kinapa kapa nito ang katawan ko at bago pa dumako ang kamay nito sa aking gitna ay pinalo ko na ang kamay nito. Kung saan saan nakakarating eh.
" Aray!" Husky na sambit nito.
Pupungas pungas ang mata nito habang masama ang tingin sakin. Tinaasan ko labg siya ng kilay.
" Bakit gising ka pa?" Halatang bagong gising talaga siya dahil sa boses niya.
Naningkit ang maata ko ng maalala kong dahil kay Skyler kung bakit gising na naman ako.
" Naistorbo ng bitchesang Langit ang pagtulog ko." Inis na sambit ko at nagcrossed arms pa.
" Halika rito at humiga ka na para makatulog ka." Aya nito sakin.
" Wala na yung antok ko." Seryosing turan ko.
" Paano babalik yung antok mo kung nakaupo ka dyan." Sambit nito at hinihila ang kamay ko pahiga.
Napatsk nalang ako at humiga sa tabi nito. Inayos niya ang kumot naming dalawa bago ipinaunan sakin ang braso niya at niyakap niya ako.
" Sleep ka na bawal sa baby natin ang pagpupuyat." Pangangaral pa nito. " Kakantahan nalang kita para makatulog ka."
" Maganda ba boses mo?" Tanong ko sa kanya na minamaliit ko ito.
" Mapagtyatyagaan naman." Tawang sambit nito at hinapit ako palapit sa kanya lalo.
Niyakap ko na rin siya at sinubsob ang mukha ko sa bandang dibdib niya. Amoy na amoy ko yung fabric conditioner na gamit ko dahil damit ko na naman ang sinuot nito kahit na may damit naman na siya rito.
Nagsimula na itong kumanta ng pamilyar na kanta. Gulat na napalingon ako rito ng kantahin nito ang kantang matagal ko ng di naririnig.
Alam ko naman na maganda ang boses nito. We're childhood friends remember. Madalas kaming kumanta noong mga bata pa kami dun sa tree house sa bakuran nila noon.
BINABASA MO ANG
Bitter Destiny
Romansa[| Empire High Series # 2 |] ∆ Patricia Ryleigh Larqueza ∆ This is gxg story so If you are not comfortable. Then pls peacefully leave, I don't need your non sense opinion. Patricia Ryleigh Larqueza is a girl who was attracted to a straight named, J...
