Kabanata 3

1.9K 75 17
                                    

“Taray girl, feeling ko may gusto sa ‘yo si Zymon,” saad ni Sandra. Hanggang ngayon ay kinikilig pa din siya.

I rolled my eyes. Hindi pa din ako makapaniwala na mukhang wala lang kay Zymon ‘yung ilang araw niyang hindi pagpaparamdam sa akin.

Well, sino nga ba naman ako diba? Bakit ko ba iniisip iyon, for sure madami siyang ka chat o kausap sa social media accounts niya kaya hindi na niya ako nachat. Bakit ba pinoproblema ko pa iyon. Tulad nga ng sabi ko ay wala naman akonh pakialam kung ano pa ang gawin niya sa buhay niya. Anong pakialam ko sa kaniya. Wala naman. Kaya dapat ay hindi ko na iyon problemahin pa.

“Tangina,” mura ko nang matalsikan ng juice ang uniporme ko. Ano ba naman 'yan! Ang ayaw ko pa naman ay iyong nadudumihan ako lalo na sa uniform ko. Shit talaga.

“S-Sorry…” Tiningnan ko ang babaeng nagsalita. Ang hinhin ng boses ng babae. Hindi ko alam kung ganun ba talaga boses niya or baka hindi. Wala na akong pakialam pa sa boses niya. Ang importante sa akin ngayon ay matanggal na ang natapon sa uniform ko. Kainis naman.

Bumaling ulit ako sa babae at nakatingin siya sa gawi ni Zymon, kaya ata niya natapunan ang uniporme ko dahil kung saan-saan siya nakatingin. Mas lalo lamang akong nainis dahil nung humingi siya ng sorry ay sa iba siya nakatingin.

Naramdaman ko na ang tingin sa amin ng ibang studyante. Maging si Sandra ay siniko na ako, mukhang sinasabing wag ko ng patulan.

“Bulag ka ba o tanga?” Hindi naman malakas ang boses ko pero pakiramdam ko ay nag echo sa buong cafeteria ang boses ko dahil sa sobrang tahimik.

Nakita kong tumingin sa akin ang babae pero saglit lang dahil yumuko agad ito. Natakot ata.

Well, hindi ko naman talaga intensiyon na awayin siya kaya lang kung mag-sosorry siya dapat ay nakatingin siya sa ‘kin para naman malaman ko na sincere siya.

“S-Sorry po…hindi ko po k-kasi nakita,” nauutal na saad niya.

Bumuntonghininga ako at umirap sa kawalan. Baka mamaya ay ako pa ang magmukhang masama dahil sa babaeng 'to. Kailangan kong kumalma pero hindi ko kaya at naiinis ako ng husto ngayon.

“Oh so, bulag ka? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo, punyemas naman,” hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ko ngayon.

Nakakainis.

“She said sorry, isn’t that enough?” Mas lalo atang uminit ang ulo ko dahil sa sinabing iyon ni Zymon. At talagang lumapit pa siya ngayon dito.

Bakit ba bigla-bigla siyang sumusulpot?

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko. Akala ko ay puro kalokohan lang ang alam niya pero bakit pagdating sa babaeng ‘to ay nagseryoso siya. Girlfriend niya ba ‘to? Bakit niya pinagtatanggol?

Umirap ako at tumingin sa kaniya.

“Hindi naman ikaw ang kinakausap ko kaya pwede ba umalis ka na,” sambit ko habang nakataas ang kilay.

Zymon clenched his jaw, looking at me with his serious eyes.

Bakit pakiramdam ko ay parang kasalanan ko. Bakit ba siya ganito? Kanina lang ay okay naman at tumatawa pa nga siya tapos ngayon parang naiinis siya sa akin. Baka naman gusto niya 'to? Kaya ba siya nagagalit sa akin? At bakit pa ba tinatanong ko pa iyon e' halata na nga!

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon