Kabanata 9

1.6K 69 0
                                    

Nagmamadali akong lumabas sa kotse namin. Alas dyes na ng umaga at super late na ako, sobrang sakit pa ng ulo ko. Masyado ata akong maraming nainom kagabi at hindi ko na maalala ang ibang nangyari.

Basta ang alam ko ay inaya kami nila Zymon mag bar tapos nagkwentuhan sila Caiden na hindi ko na maalala kung ano. Hanggang doon lang ang naaalala ko. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi.

“Kuya Roger, text na lang po ako mamaya,” sabi ko at dali-daling pumasok sa school.

Text nang text sila Sandra at ang sabi ko lang ay papunta na ako.

Nang makarating sa room ay nakita ko na si Sandra na nagtitipa sa kaniyang cellphone si Jaica naman ay natutulog. Ang iba naming ka-block ay wala sa room. Nasa library na ata para mag review.

“Girl tagal mo naman,” bungad sa akin ni Sandra. Naupo na ako at humarap sa kaniya.

“Hindi ka ba nalasing?” Tanong ko sa kaniya.

“Nalasing ako pero maaga akong nagising no, eto si Jaica oh.” Tinuro niya ang kaibigan naming natutulog ngayon. “ Tulog pa hanggang ngayon, pagdating niya dito kanina. Natulog agad.” Umiling siya.

“Ang sakit pa nga ng ulo ko, punyemas,” sabi ko. Makahulugang tumingin sa akin si Sandra kaya kumunot ang noo ko.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya. Umiling siya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nag-text si Zymon.

Zymon:
Nasa school ka na?

Agad akong nagtipa para magreplyan siya.

Me:
Oo, ngayon-ngayon lang din.

Zymon:
Oh? Sobrang late mo naman ata.

Tumingin ako kay Sandra na nakatingin din pala sa akin. Mukhang inaalam kung sinong katext ko. Kinunotan ko siya ng noo at binalik ang atensiyon sa cellphone ko.

Me:
Oo, nalasing ako kagabi hahaha.

Hinintay ko ang reply niya pero hindi na siya nagreply. Kumunot ang noo ko at tinago na ang cellphone ko.

“Kayo na ba?” Tanong sa akin ni Sandra, sinusuri ang kabuoan ko.

“Ha?”

“Nabingi ka na girl?” Tumawa siya sa akin at umiling.

“Kung ano-ano kasing pinagsasabi mo diyan,” sambit ko.

“Girl, mukha kayong magjowa no. Ano ‘yan takot ka sa commitment?” Tanong niya at ngumisi. Kumunot ang noo ko sa kaniya.

Hindi naman ako takot sa commitment pero ayaw ko munang mag boyfriend pero kung si Zymon naman iyon, why not?

Char hahaha.

“Nagugutom ako,” sabay kaming napatingin ni Sandra kay Jaica na ngayon ay kagigising lang.

Tumawa kami ni Sandra sa kaniyang ekspresiyon. Masyado naman atang mahaba ang ang tulog niya.

“Arat cafeteria,” ani Sandra na tinangoan ko na lang. Nag ayos ng buhok si Jaica at tumayo na din.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon