Kabanata 39

1.3K 52 4
                                    

Warning: Spg (Read at your own risk.)

Tanghali na kaming nagising ni Zymon pa’no ba naman kasi may nangyari sa amin kagabi. Nagpatulong ako kay Troy na dalhin si Zymon sa kwarto namin dahil hindi ko siya kaya tapos nung umalis na si Troy ay bigla namang nagising si Zymon at ‘yon na nga.

Muli akong nadiligan.

Pagkalabas namin ay nakita na namin sila Troy na nag-aayos ng mesa para sa lunch. Hindi na kami nakakain ni Zymon ng breakfast dahil nga kagigising lang namin. Hawak-hawak ni Sandra ang umiiyak na si baby Mazein. Habang mahimbing naman ang tulog ni baby Macklaine sa bisig ni Anton.

Agad akong lumapit sa kanila para halikan ang kambal. Gumalaw pa si baby Macklaine at akala ko ay magigising siya pero hindi naman. Tumigil naman si baby Mazein sa pag-iyak nang mahalikan ko ang kaniyang noo.

“Wow, pwede na talaga,” nakangiting sabi ni Sandra.

“Gaga,” sabi ko at umiling. Naupo na kaming lahat at nagsimula ng kumain. Nilagyan ni Zymon ng pagkain ang plato ko. Masakit pa din ang katawan ko, last night was rough.

Hindi ko nga inakalang madidiligan ako kagabi. Tapos kanina ay nadagdagan pa dahil panay ang halik sa akin ni Zymon. Sobrang sakit tuloy ng buong katawan ko. Nag-init ang pisngi ko sa mga naiisip. Napansin ata iyon ni Zymon dahil nakatingin siya sa akin. Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain. Mamaya ay kung ano pa ang masabi ko.

“Island hoping tayo,” excited na sabi ni Jaica habang kumakain kami.

“Sa Puka beach,” sabi naman ni Sandra. Na pinagsang-ayonan naming lahat. Pagkatapos naming kumain at nagpahinga na muna kami ng ilang saglit bago sumakay sa bangka papunta sa kabilang isla.

Todo kuha kami ng litrato para remembrance. Nag-ig story din ako at nag my day sa Facebook.

“Panay ang comment ni Chelsie sa mga post natin ah,” ani Troy. Pansin ko din iyon, halatang gusto na niyang umuwi.

“Hindi pa siya pwedeng umuwi, busy pa ang taong iyon,” sabi ko. Napatingin ako kay Caelus na nag-iba ang mood. Umiling ako at tinanaw ang dagat.

“Mas pinili niya ang career niya, hayaan niyo na lang,” mapait na sabi ni Caelus. Nagkatinginan ang magpipinsan, akala ko ay aasarin nila si Caelus pero hindi.

Hindi na din ako nagsalita dahil nakarating na kami sa Puka beach. Nagpicture muna kaming lahat bago tumingin-tingin sa tanawin. Ang ganda talaga ng Boracay, habang tumagal ay paganda ‘to nang paganda.

Nagpabraid kami ng buhok nila Jaica habang ang mga lalaki ay nakatingin lang sa amin habang binibraid ang buhok namin. Kinuhanan pa ako ni Zymon ng litrato. Baka mamaya ay nilagay niya na iyon sa kaniyang ig story.

“Uuwi ba sila tita mamaya?” Tanong ko kay Zymon nang makatayo ako. Pabalik na kami sa kabilang isla dahil mag j-jet ski pa daw ang mga lalaki.

“Bukas ata, bakit?” Tanong niya sa akin.

“Wala naman,” sabi ko at umiling sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya ngumiti ako sa kaniya.

Pagwapo nang pagwapo si Zymon. Ako lang ata ang nakakapansin pero ang gwapo niya talaga. Ini-imagine ko tuloy kung ano ang itsura ng magiging anak namin.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon