“Girl hinatid ka ba ni tito Alfred?” Nagulat ako sa tanong na iyon ni Sandra. Kakadating ko lang sa room at medyo masama ang mood ko dahil meron ako. Sobrang sakit ng puson ko shit.
“Hindi.” Umiling ako sa kaniya. “Si kuya Roger ang naghatid sa akin. Bakit?” Naupo na ako dahil sobrang sakit talaga ng puson ko. Hindi ko alam kung bakit nagtanong si Sandra tungkol kay dad. Ang alam ko ay maagang pumasok si daddy ngayon.
“Talaga?” aniya at kumunot ang noo. “Parang nakita ko kasi si tito kanina.” Ako naman ang kumunot ang noo sa kaniya.
“Baka naman, namalik mata ka lang,” sabi ko sa kaniya. Posible namang si dad iyon eh nasa trabaho na nga siya at saka kung pupunta man si dad dito ay sasabihin niya iyon.
“Siguro nga.” Tumango siya at binaling ang atensiyon sa kaniyang cellphone. Kaming dalawa lang ang nandito. Sinama sa Batangas si Jaica ng parents niya. Next week pa ata ang uwi.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sinabi ni Sandra. Knowing na nasa trabaho na nga si dad pero kinakabahan pa din ako. Kinuha ko ang cellphone ko para matawagan si dad. Unang ring pa lang ay sinagot na iyon ni dad.
“Bakit?” ani dad? Galit ba siya?
“Nasa’n ka po dad?” Kinakabahang tanong ko. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa kabilang linya.
“Tinatanong pa ba ‘yan Nailah. Syempre nasa office ako, bakit ba?” pagalit na sabi niya.
“Ah wala naman po, kasi po sabi ni Sandra nakita ka niya kanina dito sa UOC bak—” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si dad.
“Ano ba Naih, nagtatrabaho ako dito. Tumawag ka lang ba para diyan?!” Napapikit ako sa sigaw ni dad. Tumingin sa akin si Sandra na nagtataka.
“We will talk later, sa bahay.” Natakot ako sa boses ni dad nang binababa niya ang tawag.
Hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ni dad. Madalas na din silang mag-away ni mommy, hindi na ako nangingialam pero kapag somobra na si dad kailangan kong ipagtanggol si mommy.
“Bakit?” Takang tanong ni Sandra. Kanina pa nga siya nakatingin sa akin habang kausap ko si dad.
“Tinanong ko kasi si dad about sa sinabi mo tapos ayon nagalit.” Nanlaki ang mata ni Sandra sa sinabi ko.
“Shit ka, mamaya ay pagalitan ka na naman nun pag-uwi mo,” nag-aalalang sabi niya.
“Okay lang, hayaan mo na. Sadyang mainit lang talaga ang ulo ni dad,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin pero halata pa din ang pag-aalala sa akin.
Zymon:
Nasa cafeteria kami love.Kanina pa ako hindi mapakali sa upoan ko dahil sa sobrang sakit ng puson ko. First day ko pa naman ngayon kaya sobrang sakit. Si Sandra nga ay pumunta na muna ng cafeteria para bumili ng pagkain namin.
Basta talaga first day ko ay sobrang sakit ng puson ko, hindi ako makatayo. Parang sinasaksak ito ng paulit-ulit sa sobrang sakit.
Tiningnan ko ulit ang mensaheng iyon ni Zymon. Hindi ko pa nasabi sa kaniya na meron ako ngayon, agad akong nagtipa para mareplyan siya.
BINABASA MO ANG
All for Love (Salazar Series #1) ✓
عاطفيةDate Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu. Maganda ang buhay dahil parehas na may trabaho ang mga magulang. Kahit na hindi niya masyadong close...