Kabanata 37

1.5K 53 3
                                    

Ikaw Lang by Nobita

“Gusto mo bang ikaw lang mag-isa ang manood?” Tanong ni Zymon sa akin.

Naging maayos kami ni Zymon. Nalaman ko na ang lahat, sa kanila ni Mitsuki at ang pagkamatay ni dad. Masakit pa din sa akin na malamang wala na si dad. Kahit na galit ako sa kaniya ay ama ko pa din siya at gusto kong magkaayos kami pero ngayong wala na siya, gumuho ulit ang mundo ko. Mabuti na lang at nandito si Zymon, hindi niya ako iiwan.

“Samahan mo ako,” sabi ko. Nandito kami sa bahay niya. Nung nag-usap kami ay medyo kalmado na ako, naghingi siya ng chance at binigyan ko siya. Dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa din siya, hindi naman iyon nawala.

May nirecord daw si dad na video para sa amin ni mommy, bago siya mamatay. Hindi na napanood ni mom dahil wala na din siya, ako na lang ang manonood nito para sa kaniya.

Ngumiti si Zymon at naupo na sa tabi ko. Plinay ko na ang video sa laptop.

“Okay na ba nak?” Tanong ni daddy sa nag-aayos ng camera. Nakaupo si dad sa kama, medyo nahihirapang gumalaw.

Hindi ko alam pero humapdi na agad ang mata ko kahit hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya.

“Okay na pa,” boses ni Zymon ang narinig ko. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakangiti siya sa akin.

“Pa?” Tanong ko. Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Close talaga sila ni dad, papa na ang tawag niya. Binaling kong muli ang tingin sa laptop.

“Okay.” Ngumiti si dad sa camera. Narinig ko pa ang yabag ng paa ni Zymon.

“Para ‘to sa asawa’t anak ko, to Lenny and to my daughter, Nailah.” Ngumiti ulit si dad sa camera.

At hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Tuloy-tuloy itong umagos sa pisngi ko. Lumapit pa ng kaunti sa akin si Zymon at hinilig ang kaniyang kamay sa aking likoran.

“Lenny, I know that I’m not a good husband to you. Tiniis mo lahat ng masasakit na salitang binabato ko sa ‘yo, kahit na gano’n ako. Hindi mo pa din ako iniwan, lagi kang nandiyan para sa akin. Kahit na anong mga nangyari sa akin. Hindi mo ako iniwan,” sabi ni dad. Ilang saglit bago siya ulit magsalita siguro ay pinipigilan niya ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

“At sorry kung hindi kita nagawang mahalin pero totoo ‘yung mga pinapakita ko sa ‘yo ‘yung pag-aalaga na ginawa ko, totoo ang lahat ng iyon. Ngayon ko lang napagtanto na kailangan kita, na mahal kita. Pinangunahan ko kasi ang sarili ko, akala ko kapag bumalik na si Azumi magiging okay na ako pero hindi pala dahil lahat ng pagkukulang ni Azumi ikaw lahat ang nagbigay no’n.” Pinunasan ni dad ang kaniyang luha.

“Patawad Len, sorry for everything that I’ve done. I know that it’s too late but I want you to know that I’m really regretting all the bad and wrong I’ve done to you,” seryosong sabi ni dad.

Nakarinig ako nang pagsinghot sa may camera. Umiiyak din ata si Zymon nung kinuhanan niya ‘to eh. Tiningnan ko si Zymon na seryosong nakatingin sa laptop.

“Nailah, anak ko…” Ngayon ko lang narinig ang ganito kay dad. Ang sarap pala sa pakiramdam na tawagin kang anak ng daddy mo. Pinunasan ko ang luhang tuloy-tuloy na umagos sa aking pisngi. Mabuti na lang at nandito si Zymon, hindi ko ata kakayaning panoorin ‘to ng mag-isa.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon