“Sasama ba kayo?” Tanong ko sa dalawa na kumakain ngayon ng dala kong cupcake. Nasa cafeteria kami dahil vacant time namin. Kunti lang din ang nasa cafeteria dahil may klase pa ang iba.
“Oo, sinabihan ko na din si Carlos. Sasama din ‘yon,” ani Jaica at uminom sa kaniyang milk tea. Mabuti na lang at okay na silang dalawa.
Tumingin ako kay Sandra na nakapokus sa kaniyang laptop. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng babaeng ‘to. Kanina pa siya gumagamit ng laptop sa room eh.
“Sasama ka San?” Tanong ko. Bumaling sa akin si Sandra at tumango.
May drag race sila Yosef mamaya at pupunta kami para manood. Silang dalawa lang ni Caelus ang sumali dahil sila naman ang mas mahilig sa mga ganoon.
Last week pa sinabi sa akin ni Zymon ang tungkol sa drag race nila Yosef. Syempre ay sobrang excited ako, first time kong makakanood ng drag race sa personal usually kasi ay sa tv lang ako nanonood. Mabuti na nga lang at pinayagan ako ni mom at dad. Masyadong busy si dad ngayon sa company namin, marami kasi silang kliyente.
“Sabay kayo ni Zymon?” Tanong ni Sandra sa akin. Kumunot ang noo ko sa kaniya.
“Malamang girl, magjowa sila diba?” ani Jaica at umiling sa kaibigan namin.
“Ay shit.” Nasapo ni Sandra ang kaniyang noo. Natawa kami ni Jaica sa kaniya, bakit ba ang lutang niya ngayon.
“Ano bang nangyayari sa ‘yo girl? Nag-away ba kayo ni Anton?” Tanong ni Jaica. Kumunot naman ang noo ni Sandra kay Jaica.
“Ha? Hindi no!” Umiling si Sandra at bumaling sa amin.
“Eh bakit ka lutang?” Tanong ko. Kanina pa siya lutang at hindi na nga niya napapakinggan ng maayos ang mga sinasabi namin ni Jaica. Baka nga nag-away sila ni Anton.
“Iniisip ko lang ‘yung offer sa akin ni tita sa France,” aniya at bumuntonghininga. Ilang beses na niyang sinabi sa amin ang offer na iyon ng tita niyang nasa France. Chef ang tita ni Sandra at gusto na pumunta si Sandra doon para tulongan siya. Malaki kasi talaga ang sweldo ng Chef sa ibang bansa lalo na’t sikat na Chef sa France ang tita ni Sandra.
“Sayang kasi pero iniisip ko si Anton eh.” Sinara niya ang kaniyang laptop at tumingin sa amin.
“Hindi mo pa din ba sinasabi sa kaniya?” Tanong ni Jaica. Umiling si Sandra at bakas sa mukha ang takot at lungkot.
“Hindi pa, ayokong sabihin sa kaniya lalo na’t hindi pa naman ako sigurado kung tutuloy nga ba ako,” ani Sandra.
“Siguro mas mabuting sabihin mo na ngayon baka mamaya ay malaman niya iyon sa iba tapos baka mag-away pa kayo,” sabi ni Jaica.
Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Jaica. “Oo nga San, baka kasi mamaya ay malaman niya sa iba na pupunta ka sa France, mas mabuting ikaw ang magsabi,” sabi ko at uminom sa milk tea ko.
Tiningnan ko ang dalawa kong kaibigan na parang may nakitang multo sa aking likuran.
“France? Pupunta ka ng France Sandra?” Napapikit ako nang marinig ang boses ni Anton. Shit. Narinig niya ang mga sinabi ko.
“Hon ano k-kasi..hindi pa naman ako s-sigurado kung t-tutuloy ba ako,” nauutal na sabi ni Sandra.
“At kelan mo balak sabihin sa akin?” bakas sa boses ni Anton ang galit.
BINABASA MO ANG
All for Love (Salazar Series #1) ✓
RomanceDate Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu. Maganda ang buhay dahil parehas na may trabaho ang mga magulang. Kahit na hindi niya masyadong close...