Kabanata 30

1.3K 49 6
                                    

“Monthsary niyo ni Zymon ngayon diba?” ani Sandra nang makalabas kami ng room. Papunta kami ng bar ngayon dahil kakatapos lang ng exam namin.

“Oo, 20th monthsary,” sabi ko at kinuha ng cellphone ko. Nag-text sa akin si Zymon kanina pa, hindi ko naman mareplyan dahil busy ako sa pagsagot sa exam.

“Mabuti na lang at tapos na ang exam, nakaka-stress!” sabi ni Jaica at tinali ang nakalugay niyang buhok. Nasa labas na kami ng UOC, naghihintay na din ang mga boyfriend nila na nakasandal sa kani-kanilang mga kotse. Nahagip ko na din si Zymon na palinga-linga.

“Sinabi mo pa, kailangan talaga nating mag enjoy ngayon,” sabi ni Sandra at lumapit na kay Anton. Humalik ang lalaki sa kaibigan ko at iniwan ko na sila doon.

“Hi love!” bati ko. Umaliwalas ang mukha ni Zymon nang makita ako at mabilis akong hinalikan sa labi.

“Pasensiya na, ngayon lang natapos exam namin. Sobrang dami ‘din kasing pinagsasabi ni Mr. De Leon kanina,” sabi ko sa kaniya.

“It’s okay love.” Ngumiti ito sa akin. Pinagbuksan na niya ako ng sasakyan at agad akong pumasok sa loob.

Mabilis naman niyang pina-andar ang sasakyan niya, hindi naman traffic kaya mabilis kaming makakarating sa bar na pupuntaha namin.

“Nando’n na sila Chelsie?” Tanong ko. Ang atensiyon ko ay nasa labas dahil nawiwili akong tingnan ang tanawin.

“Yeah, kanina pa.” Tumango ako, nakatingin pa din sa labas. Medyo madilim na din kaya may mga ilaw na sa bawat poste.

Napansin ko ang pagkatahimik ni Zymon. Hindi naman siya ganito kapag lalabas o may lakad kaming dalawa. Baka siguro may iniisip lang.

“Love? Okay ka lang?” Lumingon siya saglit sa akin dahil hindi naman pwedeng magtagal ang tingin niya at baka mabangga kami

“Oo naman!” aniya at ngumiti ng matamis sa akin pero parang may napapansin akong mali.

“Baka masama pakiramdam mo ha, wag na lang tayong tumuloy kung ‘di ka okay,” sabi ko pa dahil pakiramdam ko talaga ay hindi siya okay.

Umiling siya at ngumiti sa akin. “Love, okay lang ako. Wag kang masyadong nag-aalala diyan,” sabi niya.

Tumango ako pero panay pa din ang tingin ko sa kaniya. Dahil baka mamaya ay hindi nagsasabi ng totoo ang lalaking ‘to. Napansin ko ang singsing sa daliri niya. Ngayon ko lang nakita iyon ah, binili niya ba ‘yon? Saan naman?

“Bago ‘yan?” Tanong ko kaya saglit siyang napatingin sa akin.

“Ang alin love?” Tanong niya.

Tinuro ko ang singsing sa daliri niya. Huminto ang sasakyan dahilan para tumingin ako sa labas. Nasa tapat na pala kami ng bar. Bumaling muli ako sa kaniya at nakitang kinuha niya ang singsing sa kaniyang daliri.

“Bakit mo kinuha?” Nagtataka kong tanong.

“Masikip eh.” Umiwas siya ng tingin sa akin. Hindi ko alam pero biglang kumirot ang dibdib ko, nagsisinungaling ba siya sa akin? Hindi ko na lang iyon pinansin at bumaba na sa sasakyan.

Monthsary pa naman namin ngayon at ayokong masira ang araw na ‘to. Nakita ko agad sila Chelsie na nagsasaya na sa isang table. Nang makita kami ay kumaway siya sa amin. Sumunod naman sa amin sila Sandra na kakadating lang din.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon