Kabanata 1

3.3K 101 41
                                    

“Girl mukha kang namatayan, kaunti na lang talaga at maniniwala na ako na ginayuma ka nung lalaking nakausap mo do’n sa library,” mahabang saad ni Sandra sa akin.

Isang buwan ko ring ‘di nakita ang lalaking iyon, hindi ko naman nalaman ang pangalan niya at hindi ko alam kung bakit ganito rin ang ikinikilos ko. Baka naman may ginawa siyang masama sa akin. Iyong barang? Omg! Kaso wala naman akong nararamdamang kung ano at hindi ako nagsusuka ng nakakadiri, iyong katulad ng mga napanood ko sa mga movie.

Napailing ako sa mga naiisip ko. Bakit ko pa ba iniisip ang lalaking iyon. Naisip ko tuloy na baka namulto ako, bakit kasi ‘di na kami nagkita ng lalaking iyon. Nakakapagtaka naman.

“Hanapin mo na lang Naih,” suggest ni Jaica sa akin.

“What? No way.” Umiling ako sa kaniya. Bakit ko naman hahanapin ang mayabang na 'yon? Wala namam akong pakialam sa kaniya at kung hahanapin ko siya baka magtaka iyon at mag-isip pa ng kung ano sa akin. At bakit naman iyon ahad ang naisip ko?! Sabi ng hindi ko na siya iisipin eh.

“Ay oo girl, bet ko iyon,” pagsang-ayon naman ni Sandra.

“Edi ikaw gumawa,” pabalang na sabi ko. Bakit ba suggest nang suggest ang dalawang 'to? Kaya kung ano-ano na lang din ang naiisip ko dahil sa kanila.

Umirap si Sandra at saglit na nag-isip. Hindi naman ako baliw sa lalaking iyon para hanapin ko pa siya ‘no. At saka hindi naman na kailangan. Hindi naman siya artista at hindi siya gwa— ah! Sino bang niloko ko? Gwapo naman talaga siya! Kaya lang ang yabang naman. Tsk.

“Ano na lang, ipa blotter mo!” saad niya na animo'y magandang ideya ang sinabi niya.

Hindi naman umimik si Jaica at nanatili ang tingin kay Sandra. Ako naman ay kumunot na ang noo sa kaniya. Si Sandra kung ano-ano na lang talaga naiisip.

“Hibang ka ba? Wala naman siyang ninakaw ah,” sabi ko. Nag-isip pa ako kung meron nga pero wala naman. Anong nanakin nun? Ang yaman nga tingnan eh. Napairap ako sa kawalan.

“Meron kaya!” Kunot noo akong tumingin sa kaniya.

“What?”

“Puso mo, ninakaw niya puso mo.” Humagalpak siya sa tawa nang sabihin niya iyon, sinabayan naman siya ni Jaica at nag apir pa silang dalawa. Umawang ang labi ko at hindi na siyahan sa sinabi ng kaibigan. Iwan ko na lang kaya sila at maghanap na lang ako ng bagong kaibigan.

Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng mga kaibigang ganito.

“Alam mo funny ka pero ‘di ka ynnuf,” usal ko sa kaibigan.

Natigilan siya sa pagtawa at tumingin sa akin. Ngumisi ako at natawa naman si Jaica sa sinabi ko.

“Oh foul,” saad ni Jaica na tawa nang tawa.

“Panira ka talaga.” Inirapan ako ni Sandra. Pikon naman.

“Sandra nakita mo ‘yung ballpen ko?” Tanong ko. Kanina ko pa hinahanap ang ballpen ko pero hindi ko naman makita sa bag. Nakakainis naman. Bakit ba madalas mawala ang ballpen ko? Gusto ko lang namang magsulat tapos bigla namang nawala.

“Aba ewan ko, tanong mo si Jaica,” sabi niya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa librong hawak niya.

Tumingin ako sa kaibigan ko na nagtitipa sa kaniyang cellphone.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon