Kabanata 28

1.2K 55 0
                                    

Warning: Spg (Read at your own risk.)

“Ang daming media,” sabi ko nang makababa sa sasakyan. Kakadating lang namin sa Boracay at media agad ang bumungad sa amin.

Salazar family at kami lang ang tao dito, kasama na ang mga media. Enggrande ang party ni lola Jimena kaya siguro may mga media din dito. Nahagip na ng mata ko sila tita Itzel ‘di kalayuan sa amin. Naglakad na kami nila Zymon papunta sa kanila. Nauna kami at nasa likod naman namin sila Troy.

Nakahawak sa bewang ko si Zymon habang naglalakad kami, nakarinig pa ako ng mg flash ng camera dahil kinukunan din kami.

“Gusto nila tita na maraming media, mas maganda daw kapag ganun,” ani Zymon. Ang gwapo ni Zymon sa suot niyang suit ngayon, actually gwapo naman talaga ang boyfriend ko pero mas lalo ata siyang gumagwapo.

Mukhang makikita ko na ang buong Salazar dahil nasa malayo pa lang kami ay kita ko na ang kumpolan nila. Mabuti na nga lang at nakabili kami ng regalo para kay lola Jimena. Dalawang dress ang regalo ko kay lola, ang sabi ni Zymon ay mahilig sa mga ganun si lola at iyon din naman ang napapansin ko kaya dress na ang binili namin.

“Omg! Hi dear,” masayang bati ni tita Itzel sa akin. Agad siyang lumapit para mayakap ako ganun din naman ang ginawa ko sa kaniya.

“Hi po tita!” bati ko. Kumalas na kami sa yakap. Ang mga media ay todo ang click sa kanilang mga camera. Nakita ko si lola Jimena sa unahan suot ang red long gown. Bagay na bagay iyon sa kaniya. Nakasuot lang ako ng black backless dress at sila Chelsie ay ganun din dahil sila Zymon ang bumili ng mga suot naming dress ngayon.

Kinuha ng isa sa mga maid ang dala naming regalo para ilagay sa isang table. Nakita ko ang ilan sa mga sikat na models na napapanood ko sa tv. Mga kaibigan raw iyon nila tita Itzel. Ang yaman talaga ng mga Salazar.

Nagsimula na ang party at nakaupo na kami nila Zymon. Kumuha ako ng pasta, lobster, lumpia at fries. Hindi muna ako magkakanin dahil ilang araw na din akong puro kanin. Feeling ko ay tumataba na ako.

“Bakit?” Tanong ko kay Zymon na ngayon ay nakatingin sa akin. May laman na naman ang plato niya kaya bakit nakatingin ito sa akin. May gusto pa ba siyang ilagay doon.

“Hindi ka kakain ng kanin?” Nakakunot noo niyang tanong. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi nga muna ako kakain ng kanin tapos ngayon ay nagtatanong ulit siya. Ang kulit talaga ng lalaking ‘to.

“Love, diba nga hindi na muna ako kakain ng kanin,” sabi ko sa kaniya at kumuha ng fries para kainin. Umiling siya sa akin.

“Mga babae nga naman,” bulong niya.

Kumuha ng mga beer sila Troy kanina kaya napuno mg beer ang mesa namin. Sa kabila ay sila tita Itzel na panay ang tawanan puro kasi joke sila tito Raul. Si lola Jimena ay busy din naman sa pagkausap sa iba niyang mga kaibigan na kumakain na din ngayon. Nilagok ko ang wine na nasa baso ko, gusto kong uminom ng beer kaya lang ay baka malasing ako. Nakakahiya naman kila tita Itzel, saka na ako maglalasing kapag kami na lang talaga ang tao dito.

“Nice dress girls,” papuri ni lola Jimena nang makalapit sa amin. Tumayo kami para yumakap kay lola. Ang ganda-ganda talaga niya, kahit na may edad na si lola makikita mo pa din ang kagandahan niya.

“Ang boys po ang pumili lola,” ani Chelsie. Mas lalong lumapad ang ngiti ni lola sa narinig.

“Happy birthday po lola,” bati ko. Ngumiti si lola sa akin. Pagkatapos ay bumati na din sila Venn kay lola.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon