Kabanata 26

1.1K 51 1
                                    

“Akala ko ba hindi ka na magyoyosi?” Nakataas ang kilay ko kay Zymon nang sabihin ko iyon. Nakatalikod siya sa akin dahil kukunin ko sana ang cupcake na nasa bag niya pero isang kaha ng Marlboro Vintage ang nakuha ko sa loob.

Nahuli ko siya last week na nagyoyosi. Ayoko pa naman na nagyoyosi siya dahil hindi naman iyon mabuti sa kalusogan. Nalaman ko din na ganito din pala sila Troy pero ang sabi ni Zymon sa akin ay nagyoyosi lang naman daw sila kapag stress at medyo bored sila.

Kinuha ko ang isang kaha ng sigarilyo at padabog na nilagay iyon sa mesa. Napatingin sa amin sila Troy na katabi din namin. Nasa cafeteria kami dahil lunch na din naman. Hindi ko alam sa lalaking ‘to kung bakit may yosi siya sa bag niya. Kanina naman ay wala iyon doon. Pinagbabawalan ko na siyang magyosi dahil hindi nga nakakabuti iyon sa kaniya. Minsan din ay nahahagip ng mata ko sila Caiden na nagsisigarilyo.

“Kay Yosef ‘yan love,” ani Zymon at tinuro pa si Yosef sa kaniyang harapan. Tumingin ako kay Yosef na abala sa kaniyang cellphone.

“Sus Zy, huling-huli na ayaw pa umamin,” ani Caelus at ngumisi. Kumunot ang noo ni Zymon at akmang babatukan ang pinsan.

“Gago ka! Hindi naman talaga sa ‘kin ‘yan,” sambit ni Zymon at bumaling ulit sa akin.

“Ano bang nakukuha niyo diyan sa pagyoyosi ha?” ani Chelsie na nakatingin kay Caelus. Natawa si Zymon na sinabayan ni Troy.

“Oh diba, bumalik sa ‘yo.” Humagalpak ng tawa si Zymon. Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para tumigil siya sa pagtawa. Nang tumingin siya sa akin at sinamaan ko na siya ng tingin. Sila Caelus naman ang tumawa ngayon dahil sa reaksiyon ni Zymon na mukhang maamong pusa.

“Ang kukulit,” bulong ko.

Minsan talaga sa sobrang kulit ni Zymon ay kinukurot ko na lang siya para matahimik siya. Kapag magkasama kami ay kung ano-ano pang mga kinukwento niya sa akin at puro tawa na lang ang nagagawa ko kasi ang daldal niya.

“Girl tara na!” aya ni Sandra sa akin. Friday ngayon at nasa labas na kami ng UOC. Pupunta kami ng bar dahil gustong mag-inom ng dalawa kong kaibigan.

“Wait lang,” sabi ko at dali-daling lumapit sa kotse ni Jaica. Nagpaalam na ako kay mom at sinabi ko na din kay kuya Roger na gagabihin ako. Dahil nga Friday ngayon ay hindi kami naka-uniform. Nakasuot lang ako ng black off shoulder dress.

“Nagpaalam ka kay Zymon?” Tanong ni Jaica. Nasa front seat ako at siya naman ay nasa driver seat, siya ang magmamaneho dahil kotse naman niya ‘to.

“Bakit ako magpapaalam eh naghihintay na nga ang mokong na iyon doon,” sambit ko. Natawa si Sandra sa sinabi ko.

“Girl nasa bar na sila kanina pa,” ani Sandra at pinakita sa amin ang kaniyang cellphone. Nakita ko ang story ni Troy sa ig kasama sila Venn.

“Nagpaalam ba sa ‘yo?” Nilingon ko si Jaica na nakapokus na sa labas, mamaya ay mabangga pa kami kung hindi siya magmamaneho ng maayos. Maluwag ang kalsada kaya mabilis kaming makakarating sa bar.

“Oo, inaya nga ako kanina diba?” Kumunot ang noo ko kay Jaica. “Ano ba sis? Lutang ka ba? Diba nga nando’n ka kanina nung inaya ako ni Zymon,” sambit ko.

“Girl, alam mong nag-away ulit sila ni Carlos diba? Kaya nga excited mag bar ‘yan,” ani Sandra.

Nag-away nga pala ang dalawa kaya wala sa mood ang kaibigan kong ‘to at lutang pa. Ang sabi sa akin ni Jaica ay nakita niyang may kasamang babae si Carlos sa mall nung isang araw.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon