Simula

4.9K 128 51
                                    

“Girl ang gwapo nung Salazar,” kilig na sabi ng babaeng nadaanan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Girl ang gwapo nung Salazar,” kilig na sabi ng babaeng nadaanan ko. Bakit ba puro ganun ang sinasabi nila? Kanina ko pa naririnig ang Salazar na ‘yan. Artista ba sila?

Papunta na ako sa room ko, hindi ko nga alam kong late na ba ako o baka natapos na ang klase namin.

“Gaga, sino doon? Lima silang Salazar dito,” sabi pa ng kasama niya.

Hindi ko na sila pinansin at nagmadali nang maglakad. Wala naman akong mapapala kapag pinakinggan ko pa sila. Puro kaharotan lang ang alam, kung pumasok na sila agad.

“Naih, bakit ang tagal mo?” Kunot noong tanong sa akin ni Sandra.

“Nalate ako ng gising,” sabi ko sa kaniya.

“Tara na, mabuti na lang at wala pang prof.” Hinilia niya na ako papunta sa uupoan namin, nando’n na si Jaica habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Naupo ako sa tabi nila, sa gitna naupo si Sandra habang may tinitingnan sa labas.

“Sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ko sa kaniya.

“Dadaan sila Zymon,” kinikilig na sambit niya.

“Sino ‘yan?” Kunot noo kong tanong.

“Mga Salazar girl, pinag-uusapan sila ngayon dahil sobrang gwapo naman talaga nilang lima,” excited na sabi niya. Pati ba naman ang kaibigan kong ‘to ay iyon din pala ang iniisip?

Hindi na lamang ako umimik sa kaniya, hindi ko naman kilala ang mga iyon. Pamilyar ang apelyido nila pero hindi ko alam kung saan ko ba iyon narinig at wala na din akong balak na isipin pa iyon dahil wala naman akong pakialam sa kanila.

“Pupunta ako sa library, sama kayo?” Tanong ni Jaica nang makalabas kami sa room namin. 2 hours ang vacant time namin pagkatapos ay lunch na rin.

“Arat, baka nando’n ang mga Salazar,” saad niya at hinila kaming dalawa ni Jaica.

“Bibig mo puro Salazar.” Hindi na siguro maipinta ang mukha ko dahil sa kanina ko pa naririnig ang Salazar na iyon.

“Girl, naku kapag nakita mo siguro ang mga Salazar baka magaya ka sa akin.” Natatawang sabi niya sa akin.

I shook my head.

Salazar? Kahit sino pa ‘yang mga iyan, wala naman akong paki.

Masyadong madaldal si Sandra habang naglalakad kami papuntang library. Si Jaica naman ay tahimik lang habang nakikinig sa amin ni Sandra.

“Crush ko si Troy, kaya lang gwapo rin si Zymon. Hindi ako makapili huhu, silang lahat na lang para, the more the merrier.”She giggled.

“Banggit ka nang banggit ng pangalan, ‘di ko naman ‘yan kilala,” sabi ko sa kaniya.

Her forehead creased.

“Nakikinig ka ba sa akin Naih? Mga Salazar nga ang tinutukoy ko, ang ga-gwapo nila promise.” Tinaas niya pa ang kamay niya bilang patunay na nagsasabi siya ng totoo.

Hindi na ako umimik, nasa library na rin kami. Naunang pumasok si Jaica. Mukhang excited na magbasa ng libro. Sumunod naman kami ni Sandra. Hanggang library ay dumadaldal pa rin siya tungkol sa mga Salazar.

Gusto ko tuloy malaman kung sino ‘yang mga Salazar na iyan. Gusto ko lang namang makita kung totoo nga ba ang sinasabi ng kaibigan ko.

Kumuha ng libro si Jaica, sumunod naman ako dahil gusto ko ring magbasa. Naiwan si Sandra sa inuupoan namin, nagtitipa sa kaniyang cellphone.

Humiwalay ako kay Jaica, hindi ko alam kung anong babasahin ko.

Bawat libro ata na nakalagay sa bookshelf ay kinukuha ko para tingnan kung magugustohan ko ba iyon.

“Are you done?” Napatingin ako sa nagsalita.

Isang gwapong lalaki ang nasa harap ko, ang mata niya ay seryosong nakatingin sa akin. Maganda ang kulay ng kaniyang mata, pinaghalo itong kulay gray at itim. Matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kaniya. Maganda ang pangangatawan niya na bagay na bagay sa kaniya.

“Excuse me?” Napakurap ako nang magsalita siyang muli.

“Masyado ka atang na starstruck sa kagwapohan ko miss,” nakangiti niyang saad.

Nagdugtong ang kilay ko sa sinabi niya. Wtf? Ang yabang akala mo kung sinong gwapo! Pero gwapo naman talaga. Tsk.

“Excuse me?” Nakataas na ang kilay ko sa kaniya. Ang taas naman ng confidence ng lalaking ‘to.

Well, gwapo nga siya kaya lang ang yabang naman.

“Oh wag ka naman magsungit, mas maganda kung nakangiti ka lang,” sabi niya.

“Mukha naman akong baliw no’n kung lagi lang akong nakangiti,” masungit na sabi ko sa kaniya.

Kinamot niya ang kaniyang ulo at ngumiti sa akin.

“Kapag nagkita na lang tayo dapat nakangiti ka,” he said while while grinning at me.

Asa!

Pagkatapos no’n ay hindi ko na ulit siya nakita, lagi tuloy akong nakasimangot.

I don’t even know his name. What the fuck is happening to me?!

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon