Kabanata 35

1.4K 50 0
                                    

“Hi mom,” sabi ko at nilagay ang bulaklak sa kaniyang puntod. Linggo-linggo ay binibisita ko ang puntod ni mommy. Lagi akong nagkukwento sa kaniya ng mga nangyayari sa buhay ko.

Naupo ako at tiningnan lang ang pangalan ni mommy na nakasulat sa lapida.

“Kamusta ka na mom? Alam niyo po bang miss na miss na miss ko na kayo, hindi ko pa din nakikita si dad. Hindi ko nga po alam kung nasaan siya ngayon pero si Mitsuki naman po nakita ko na, hanggang ngayon ay hindi ko pa din po talaga matanggap na magkapatid kami. Ewan ko ba, nasasaktan pa din po ako hanggang ngayon, hindi ko po alam kung bakit. Siguro dahil mahirap talaga ang magpatawad na kahit ilang taon na ang nakalipas bumabalik at bumabalik pa din ‘yung sakit na binigay nila sa akin,” sabi ko, kasabay ng malamig na hangin na humampas sa akin.

“Kapag nakikita ko po si Zymon, bumabalik ‘yung sakit at hindi din po ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita ko siya pakiramdam ko ay mawawalan ako ng lakas kapag nagtatagpo ang mga mata namin, hindi ko po alam kung bakit ganun ang nararamdaman ko,” sambit ko.

Inaalala ko pa din ang ilang beses naming pagkikita ni Zymon. Sa tuwing magtatagpo talaga ang mga mata namin ay naghihina ako, hindi ko alam kung bakit. Pilit kong inaalis sa isip ko ang lalaking iyon. Nagsinungaling siya at niloko niya ako, hinding-hindi ko makakalimutan ang kawalang-hiyaang ginawa nila sa akin.

“S-Sana ay nandito ka po, para m-makita niyo ang l-lahat ng mga n-nagawa ko. ‘Yung p-pagiging successful ko n-ngayon..’yung mga lahat ng nagawa k-ko para marating ko p-po i-ito..” Pinalis ko ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.

Huminga ako ng malalim at nagsindi na muna ng kandila para kay mommy. Pagkatapos ay sumakay na ako sa sasakyan ko, nakatanggap din kasi ako ng text kay Elle na marami na namang customer.

Tinigil ko ang sasakyan dahil sobrang traffic. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko at napatingin sa labas. Nanlaki ang mata ko nang makita sila Troy sa kabilang kotse, ilang taon ko ding hindi nakita ang mga ‘to. May pinag-uusapan sila ni Caiden kaya hindi nila napansin na nakatingin ako sa kanila.

Napatingin ako sa backseat dahil bumukas ang bintana doon. Nakita ko si Caelus sa loob habang naninigarilyo. Hanggang ngayon ay nagyoyosi pa din pala sila, sabagay wala na kasing magagalit kapag ginawa nila ‘yon.

Gulat na napatingin sa akin si Caelus, ngumiti siya sa akin at bumaling sa mga pinsan niya kaya napatingin din sila sa akin. Kumaway sila Troy sa akin, kumaway din ako.

Magsasalita pa sana si Troy kaya lang ay gumalaw na ang mga sasakyan kaya pina-andar ko na din ang kotse ko.

Hindi ko alam pero nawala ang lahat ng galit ko sa kanila. Siguro dahil ginawa lang nila iyon dahil ayaw nilang makialam sa amin ni Zymon. After kong nalaman ang lahat ay hindi ko na nga sila nakita pa. Siguro dahil nahihiya silang harapin din ako, hindi ko nga alam kung paano ko sila haharapin ngayon.

Nakita ko na si Zymon at Mitsuki tapos ngayon ay sila namang magpipinsan. Sana ay hindi ko muna makita ang mga magulang ni Zymon, parang hindi pa kasi ako handa. Umalis ako kaagad nung nalaman ko ang lahat at hindi ko narinig ang eksplinasiyon nila, nung mga panahon ding iyon ay hindi ko gusto na makinig sa kanila. Masyadong masakit para sa akin ang malamang may alam sila sa buong pamilya ko tapos tinago nila sa akin iyon.

Kung makikita ko man ang parents ni Zymon siguro makikinig ako sa kanila. Papakinggan ko ang eksplinasiyon nila kahit huli na. Masaya na si Zymon at halata naman iyon, may anak na sila ni Mitsuki. Medyo lito pa din ako sa nararamdaman ko ngayon, dati ay sinabi kong okay na ako, okay na makita si Zymon kasama ang asawa niya pero bakit ako kinakabahan kapag nakikita at nagtatagpo ang mga mata namin. Siguro ay nagsisinungaling na naman ako sa sarili ko.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon