Message to my yannies<3

1.2K 39 7
                                    

Omg!! Tapos na ang story ng ZyNaih!! Thank you sa mga nagbasa ng story ng ZyNaih. Mahal ko kayo!!

See you on series #2!

If feel niyo may tinatago o nagsisinungaling ang girlfriend/boyfriend niyo, confront her/him. Wag mo ng patagalin pa kung sa tingin mo ay may tinatago na siya sa 'yo, kasi kung papatagalin mo lang mahihirapan ka at mas lalo kang masasaktan.

Hindi man ganito ang ginawa ni Naih pero nakita naman mismo ng kaniyang mga mata ang totoo. At syempre, nasaktan siya. Natagalan bago niya nalaman ang lahat at mas lalo lang siyang nasaktan. Kung ganito man ang mangyari sa inyo, pakinggan mo ang sasabihin o magiging eksplinasiyon niya. Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ni Naih ay hindi na niya ito nagawa, akala kasi niya ay lahat ng nakapaligid sa kaniya ay niloko siya.

Nagtagpo silang muli at doon na tuloyang nag-usap. Nagkaayos at nagsimula ulit. Hindi man naging madali ang kanilang relasiyon, nagsimula ulit sila at mas inayos ang sarili para sa isa't-isa.

Kaya kung ganito man ang mangyari sa inyo, kausapin niyo na agad ang boyfriend/girlfriend niyo para malaman niyo agad kung tama ba ang mga hinala niyo at kung totoo man na may iba na nga siya. Hindi mo na kailangan pang magtanong kung bakit niya iyon ginawa. Hindi mo na siya kailangang tanongin ng "Bakit? Nagkulang ba ako?" "Bakit mo 'to ginawa sa akin? Anong kulang sa akin?" Dahil walang kulang sa 'yo, siya itong tanga-tanga na hindi makita ang halaga mo. Dahil kung mahal ka niya at kuntento siya sa 'yo, hinding-hindi siya maghahanap ng iba.

Another, kung tungkol naman 'to sa papa mo na hindi ka tanggap o may galit sa 'yo, kausapin niyo din siya. Tanongin mo kung bakit gano'n ang trato niya sa 'yo, kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa 'yo.

Kung favoritism din naman ang papa mo at mas gusto niya ang kapatid mo, sabihin mo din sa kaniya iyon. Sahihin mo ang saloobin mo, hindi pwede na hindi pantay ang tingin niya sa inyo. Dahil binuhay ka niya, ano iyon pinakain at pinatira ka lang sa bahay para pagalitan at pagbuntongan ng sama ng loob? Anak ka niya, hindi basta anak lang.

♡♡♡

Sana makatulong ang mga ito para sa inyo. Muli maraming salamat sa mga nagbasa ng storya ni Zymon at Nailah, sana ay may natutonan kayo. Mag-iingat kayo yannies, mahal ko kayo!

-Joy

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon