Kabanata 22

1.2K 57 8
                                    

“Naih.” Tumingin ako kay Zymon na nasa harap ko. Nasa library kaming dalawa dahil may gusto akong basahing libro.

“Bakit?” Tanong ko, nakatingin pa din sa kaniya. Mabuti nga at naging okay na kami ng mokong na ‘to. Hindi ko din naman siya matiis no.

“Uh…” May gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon masabi. Ilang araw ko na ding napapansin iyon. Tuwing titingin na ako sa kaniya parang nahihirapan siyang magsalita. Ano bang problema ng lalaking ‘to.

“Mukha kang engot diyan, ano bang gusto mong sabihin?” Takang tanong ko sa kaniya. Nakita kong gumalaw ang adams apple niya.

Umiling siya sa akin. “Wala,” aniya.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa pero pansin ko pa din ang pagtingin niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin. Alam ko namang may gusto siyang sabihin at siguro ay nahihiya lang siya.

January na ngayon at ilang buwan na lang ay magse-second year college na kami. Ang bilis talaga ng araw. Biruin mo tumagal kami ni Zymon ng buwan na hanggang magkaibigan lang. Siguro hanggang doon na lang ata kami. Hindi ko nga alam kung may gusto nga ba sa akin ang lalaking ‘to. Alam ko namang sweet siya pero siguro ganun na siya sa lahat.

“Nagugutom ako, kain na tayo,” ani Zymon. Kanina pa nga kami dito sa library at nagugutom na din ako. Tumango ako sa kaniya at tumayo na kami. Nakita ko pa ang pagtingin sa amin ng mga studyanteng nasa library.

“Naih.” Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Lester na papunta sa gawi namin.

“Les, bakit?” Tanong ko. Tumingin ako kay Zymon na nakakunot ang noo ngayon. Mukhang may iniisip. Bumaling ulit ako kay Lester.

“Papunta kang cafeteria?” Tanong niya sa akin. Lumingon siya sa may likoran ko at nagulat nang makita si Zymon. Lumapit ng kaunti sa akin si Lester.

“Gago? Kasama mo pala ‘yan,” bulong niya sa akin. Natawa ako sa sinabi niya.

“Matagal pa ba ‘yan?” iritadong tanong ni Zymon. Lagot, galit na ata. Umatras naman kaagad si Lester, mukhang kinabahan din.

Nilingon ko si Zymon na magkasalubong na ang kilay ngayon. Problema nito. Bumaling ulit ako kay Lester.

“Mauna na muna kami Les,” sabi ko. Tumango sa akin si Lester at ngumiti.

Nauna nang maglakad si Zymon na sinundan ko naman. Ang bilis naman niyang maglakad. Gutom na ba talaga siya?

“Wait lang naman, ang bilis mong maglakad,” sabi ko. Hindi niya ako nilingon at diri-diritso lang na naglakad hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Nahagip ng mata ko ang mga kaibigan ko kasama ang mga boyfriend nila. Kumaway sila sa akin at ngumiti. Sa kabila naman nila ay sila Troy na nagtatawanan. Bumaling ako kay Zymon na nakatingin na pala sa akin.

“Sino bang hinahanap mo diyan?” Kunot noong tanong niya. Bakit ba galit ‘to? Kanina ay okay naman ang mood niya ah.

“Anong problema mo?” Umarko ang kilay ko sa kaniya. Akala niya ay siya lang ang pwedeng magsungit, ako din no! Kainis ‘to imbes na okay na kami, ta’s magiging ganito siya. Problema ba nito. Magkasalubong na naman ang kaniyang kilay, seryoso lang siyang nakatingin sa akin at maya-maya’y umiling at tinalikuran ako.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon