Kabanata 23

1.2K 59 3
                                    

“Family dinner?” Gulat na tanong ko kay Zymon. Gusto ng parents ni Zymon na mameet ako, pati daw ‘yung lola niya. Kinakabahan tuloy ako. Ang sabi kasi sa akin ni Zymon ay ang dating modelo ang lola niya at ang iba nilang tita at tito ay dati ding sikat na modelo. Tinanong ko nga siya kung gusto niyang magmodel pero ang sabi niya sa akin ay wala daw siyang balak sa mga ganun.

“Bakit?” Tanong niya sa akin. Kinakabahan kasi akong mameet ang parents niya lalo na ang lola niya. Kahit na nakita ko na ang parents niya nung nag dinner kami last time, kinakabahan pa din ako.

“Kinakabahan lang,” sabi ko. Nasa cafeteria kami dahil lunch na din, sila Sandra ay susunod raw mamaya. Hindi ko pa din nakikita sila Troy. Siguro ay nasa gym ang mga ‘yon.

“Mabait sila mom, promise.” Tinaas niya pa ang kamay niya para sabihin sa aking nagsasabi siya ng totoo. Napangiti ako doon, kahit kelan talaga lagi niya akong napapangiti.

“Kelan nga?” Tanong ko. Ngayon lang niya sinabi sa akin na may family dinner. Siguro ay kasama din sila Troy. Baka buong angkan nila!

Umiling ako sa mga naiisip. Shit. Masyado namang oa kung buong angkan ng Salazar ang dadating.

“Sa Friday.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Wag ka ng kabahan, mabait sila mom lalo na si lola.” Ngumiti siya sa akin.

“Anong susuotin ko? Ang ibang dress ko ay pinamigay ko na sa mga pinsan at pamangkin ko, maliit na kasi iyon sa akin. At saka sa Friday na! Wednesday na ngayon,” sabi ko sa kaniya.

May mga dress naman ako sa bahay kaya lang ay masyadong revealing ang mga iyon. Palagay ko ay hindi babagay sa dinner namin.

“Chill.” Ngumiti siya. Pansin ko sa lalaking ‘to. Puro lang ngiti, minsan lang siya magseryoso pero nakakatakot din naman kapag magseseryoso siya. Minsan nga ay mas gusto kong nakangiti lang siya, mas bagay iyon sa kaniya.

“I already bought you a dress.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Talaga ba?

“Talaga?” Gulat pa ding tanong ko. Alam ko namang mahal na mahal niya ako pero hindi ko akalain na bibilhan niya ako ng dress para sa family dinner.

Tumango siya. “Oo, kahapon lang. Actually si mom ang namili, hindi ko alam kung anong babagay sa ‘yo. Pero alam ko na bagay tayo.” Kumindat pa siya sa akin.

“Mais,” sabi ko at umiling. Minsan talaga nasosobrahan sa pagbanat si Zymon kaya minsan ay ang conry na.

“Hoy ano ‘yan?” sabay kaming napatingin sa nagsalita. Papunta sa gawi namin sila Troy, kasama sila Sandra.

Nakabusangot ang mukha ni Sandra, baka nag-away sila ni Anton. Hindi niya kasama eh, samantalang nakangiti naman si Jaica habang naka-akbay sa kaniya si Carlos.

May dala na din silang mga pagkain na kakaorder lang.

“Ang daya ni Zymon! Sabi ko hintayin ako eh!” may bahid ng pagtatampo ang boses ni Troy. Binatukan tuloy siya ni Venn.

“Umayos ka nga.” Umirap ang babae kaya umayos si Troy.

“Tiklop pala eh,” asar ni Caiden sa kaniya. Sumama ang tingin ni Troy sa kaniyang pinsan.

“Tangina mo, kapag nag taray nga si Ria ay takot ka din naman.” Tumawa sila Zymon sa sinabi ni Troy. Tinaas lang naman ni Caiden ang dirty finger niya kay Troy.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon