Kabanata 17

1.3K 56 1
                                    

Undas break namin ngayon at meron kaming 1 week na break. Nasa Iloilo kami ngayon nila mom and dad. Sa mansion ni lola, nakaugalian na kasi namin na magtipon-tipong mag-anak  tuwing undas dito sa mansion nila lola.

Death anniversary din kasi ni lolo ang November 1 kaya lahat kami ay nandito sa Iloilo.

Si Zymon naman ay nasa Davao kasama syempre ang kaniyang mga pinsan at magulang. Sila Sandra at Jaica ay umuwi din sa kanila.

“La gusto niyo po ng cookies?” Tanong ko kay Lola Nieves na nakaupo ngayon at tinatanaw ang tanawin. Nasa labas kami kaya kitang-kita ko ang mga bundok at ang mga palayan ‘di kalayuan sa amin.

“Isa lang apo, bawal sa akin ang matamis.” Tumango ako kay lola at binigay na sa kaniya ang isang cookie.

Isa ako sa mga close ni lola. Kaya nga excited ako na pumunta dito sa Iloilo dahil makikita ko si lola. Ang iba ko kasing mga pinsan ay masyadong abala sa kanilang mga gadgets.

“Kamusta naman ang pag-aaral mo? May mga nanliligaw ba sa ‘yo?” Nakangiting tanong ni lola. Palangiti si lola, hindi ko alam kung bakit hindi iyon namana sa kaniya ni dad. Sabi din kasi nila tita ay kay lolo daw nag-mana si daddy. Isang beses ko lang din nakita si lolo, nung elementary pa ako nun. Magkahawig nga sila ni daddy at medyo strikto din si lolo.

“Okay lang naman po ang studies ko, ang sa mga suitors naman po. Wala.” Umiling ako kay lola. Kumunot ang kaniyang noo sa akin.

“Bakit wala? Hmm pinagbabawalan ka pa din ni Alfred?” Tanong ni lola at kumagat sa kaniyang cookie.

“Opo eh, alam niyo naman po si daddy,” sabi ko.

“Naku, wag ka ngang makinig kay Alfred. Napaka-strikto niya sa ‘yo akala mo naman ay hindi niya naranasan ang mga ganiyan nung nasa highschool at college pa lang siya,” ani lola at umiling pa.

Pagdating talaga sa mga ganitong usapan. Kakampi ko si lola, naiintindihan niya kasi ang nararamdaman ko. Minsan nga ay pinapagalitan niya pa si dad dahil masyado daw siyang strikto sa akin.

Iniisip ko tuloy kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol kay Zymon. Wala namang kami ni Zymon basta ang alam ko ay naging mas close pa kaming dalawa. Hindi ko nga alam kung may gusto ba siya sa akin. At nagugulohan pa din ako sa nararamdaman ko.

“May gusto ka bang sabihin Naih?” Tanong sa akin ni lola.

Kumuha ako ng isang cookie at kinain iyon. Bumaling ako kay lola na nakatingin sa akin.

“May nakilala po akong lalaki la tapos naging close kami kaya lang habang patagal nang patagal ‘yung pagsasama namin may iba na akong nararamdaman. Sobrang bilis po ng pagtibok ng puso ko kapag mag-uusap or lalapit siya sa akin,” sabi ko.

Ngumiti si lola sa akin, mukhang alam na niya kung anong ibig kong sabihin.

“Isa lang ang ibig sabihin niyan, may gusto ka na sa kaniya. Ganiyan din ang naramdaman ko dati sa lolo mo apo. Unang kita ko pa nga lang sa lolo mo ay bumilis na ang tibok ng puso ko, hindi pa ako mapakali no’n lalo na kapag nagtatama ang paningin namin,” kumislap ang mata ni lola nang sabihin niya iyon.

“Kung nagtatagpo pa ang inyong mga mata ay kinakabahan ka at kung nandiyan na siya ay sobrang lakas ng tibok ng puso mo?” Tanong ni lola kaya tumango ako.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon