Kabanata 8

1.6K 71 4
                                    

Zymon:
Where are you?

Kumunot ang noo ko sa text ni Zymon. Wednesday ngayon at kakauwi ko lang galing sa school namin. Half day lang din naman kami.

After nung dinner namin sa Japanese restaurant ay kinuha ni Zymon ang number ko at nagt-text na nga kaming dalawa, hindi pa alam nila Sandra ang bagay na iyon.

Me:
Bahay, kakauwi ko lang. Why?

Kakatapos ko lang ding mag review. Medyo sabog pa dahil sa kapal ng binasa namin kanina sa library.

Zymon:
Umuwi ka na? Akala ko manonood ka pa ng practice namin

Fudge, sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong may practice pala sila ng basketball ngayon. Nakalimutan ko tuloy.

Napatingin ako sa wall clock at nakitang mag-aalauna pa lang. Babalik na lang ako sa school.

Me:
Hala oo nga pala, wait. Babalik ako diyan.

Zymon:
sige lang. pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, sakit, pagtangis, iyak, lungkot, siphayo, dalamhati.

Pinigilan ko ang tawa dahil sa nabasa. Punyemas talagang lalaking ‘to.

Me:
Wag na nga, ‘di na ako babalik.

Zymon:
hoy😭 charot lang. bumalik ka, miss na kita

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa text niya na iyon. Tiningnan ko ulit ang message niya, may bago na naman siyang text.

Zymon:
miss na kitang asarin, sorry si Troy kasi sinend agad😩

Fudge, akala ko. Punyemas. Hindi na ako nag-reply at agad na lumabas ng bahay.

“Sa school po ma’am?” Tanong ni kuya Roger.

“Opo kuya,” sabi ko at sumakay na sa kotse.

Inopen ko ang Facebook ko at nakita sunod-sunod na chat sa GC namin nila Sandra.

GC TO TANGA!!!😚😚

Bebe ni anton 😚😍:

Naih! Ba’t umuwi ka agad?

Bebe ni carlos❤️:

Naih, balik ka dito.

Bebe ni anton 😚😍:

May practice sila Zymon, nandito pa naman si Mitsuki.

Alaws bebe😭:

Girls, otw.

Bebe ni anton 😚😍:

Ay weh ba?

Alaws bebe😭:

Oo nga, gaga.

Bebe ni carlos❤️:

Send pic

Nagsend ako ng picture sa kanila para naman maniwala sila na pabalik na nga ako.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon