Kabanata 38

1.4K 56 0
                                    

“Private airplane ba sasakyan natin?” Tanong ulit ni Jaica. Kanina pa siya tanong nang tanong sa akin nga ganiyan.

“Oo nga, sa mga Salazar na eroplano,” sabi ko. Tumango naman si Jaica at lumapit muna kay Sandra na buhat-buhat si baby Mazein. Nasa stroller naman si baby Macklaine na hawak-hawak naman ni Anton.

Papunta kami ngayon sa Boracay dahil doon gaganapin ang celebration ng birthday ni Zymon. Kinakabahan nga ako dahil makikita ko na ulit ang buong pamilya nila. Alam na naman ni tita Itzel na nagkabalikan kami ng anak niya at gano’n din si lola Jimena.

4 days or 5 days daw kami doon. Kaya marami-rami ang dinala naming gamit. Para makapag-enjoy talaga kami. Napatingin ako kila Lester at Mitsuki na ngayon ay kinakausap ang kanilang anak. Buhat-buhat ni Lester si Ashianna habang nagtatawanan sila.

“What do you think about planning a baby?” Gulat akong napatingin sa katabi ko. Gago ‘to. Bakit gano’n ang mga tanongan niya?

“Baby?!” Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sila Troy sa amin.

“Yes, a baby.” Tumango-tango pa si Zymon sa akin pagkatapos ay ngumiti. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi pa nga niya ako pinapakasalan, baby agad?

“Anong baby?” Lumapit na sila Troy sa amin.

“Buntis ka Naih?” excited na tanong ni Sandra. Agad akong umiling. Gago talaga ‘tong si Zymon. Kung ano-ano kasing sinasabi eh.

“Hindi! Ano ba kayo,” sabi ko at umiwas na ng tingin. Narinig ko pa ang pang-aasar nila. Hindi ko na lang iyon pinansin.  Nang tumingin ako kay Zymon ay nakatingin lang naman siya sa akin. Kinurot ko ang kaniyang tagiliran.

“Aray,” reklamo niya at hinawakan ang kaniyang tagiliran.

“Umayos ka nga, kung ano-anong lumalabas sa bibig mo,” sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

“Bakit?” Nakita kong humaba ang kaniyang nguso. “Ayaw mo bang magkaanak sa ‘kin?” Nag-init ulit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba ganito siya?

“Ewan ko sa ‘yo,” sabi ko. Dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa lalaking ‘to. Pinagti-tripan na naman ako.

Maya-maya ay dumating na ang dalawang private airplane nila. Sumakay na kami nila Zymon. Naupo ako sa may malapit sa bintana, para matanaw ko ang himpapawid.

Napatingin ako sa maliit na bag ni Zymon. Nanlaki ang mata ko nang makita doon ang keychain na regalo ko sa kaniya. Hindi ko alam na nasa kaniya pa pala iyon, akala ko ay tinapon na niya iyon. ‘Yung sa akin naman nasa bahay, hindi ko na iyon ginamit pa. Simula nung naghiwalay kami, tinago ko na lang iyon. Dahil sa tuwing nakikita ko iyon ay naalala ko si Zymon.

“Bakit?” Nagtatakang tanong ni Zymon sa akin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa bag niya. Tiningnan niya ang bag niya at bumaling ulit sa akin.

“Akala ko tinapon mo na ‘yan,” sabi ko. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.

“Bakit ko naman itatapon, bigay mo ‘to,” aniya. Ngumiti siya at kinuha ang keychain na nakasabit sa zipper ng bag niya.

Naalala ko tuloy ‘yung time na binili ko ‘yan. Aligaga pa ako noon dahil mga hindi ko malaman kung anong ireregalo ko sa kaniya. Mabuti na lang at nakita ko ‘yung keychain at nagustuhan niya nga iyon. Hanggang ngayon nga ay gamit niya pa din, akala ko ay tinapon niya na.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon