Masyadong mabilis ang araw, last week na ng October ngayon at undas na nga next week. Naging maayos ang nangyari sa amin ni Zymon sa Palawan nung birthday ko. Mas lalo pa nga kaming naging close ni Zymon, napagkakamalan pa nga kaming magjowa.
Tuesday ngayon at nasa cafeteria kami. Nag-aya kasi si Jaica na pumunta daw kami sa cafeteria kaya wala kaming nagawa ni Sandra. Mukhang may problema din ata ang kaibigan namin.
“Ano bang nangyari?” Hindi ko na napigilang tanongin si Jaica dahil kanina pa siya tahimik.
Bumuntonghininga siya bago tumingin sa amin. Kita ko sa kaniyang mata ang lungkot.
“Nag-away kami ni Carlos,” malungkot na sabi niya. Nanglaki ang mata ko, ano naman kayang pinag-awayan nila?
“Ha bakit?” Tanong naman ni Sandra na ngayon ay seryoso na ding nakatingin kay Jaica.
“Nagbar siya kagabi tapos hindi ko alam. Hindi siya nagpaalam sa akin, kung hindi ko pa nakita sa post ng kaibigan niya hindi ko malalaman,” pumiyok ang boses ni Jaica.
Nakakainis talaga ‘yung mga lalaking hindi nagpapaalam kapag aalis. Okay lang naman na umalis pero dapat magpaalam. Bakit sa tingin ba nila manghuhula tayong mga babae? Nakakagigil.
“Tapos nakita ko sa picture na k-kasama niya ‘yung ex niya. Sobrang l-lapit pa nila sa isa’t-isa, ‘yung mga k-kaibigan naman ni C-Carlos parang tuwang-tuwa pa na m-magkasama sila.” Nanliit ang mata ko sa sinabing iyon ni Jaica.
“Tanginang mga kaibigan ‘yan, mas gusto pa ‘yunh ex kesa sa girlfriend,” galit na sabi ni Sandra. Mahigpit na ang hawak niya sa basong may laman na juice.
Kaunti lang naman ang tao sa cafeteria kaya hindi nila napapansin ang eksena naming tatlo dito.
Gusto kong sungalngalan si Carlos ngayon kasama na syempre ang mga kaibigan niya. Mga hinayupak sila, ang kakapal ng mukha.
Umiiyak na ngayon si Jaica habang inaalo siya ni Sandra. Bakas pa din sa mukha ni Sandra na galit siya. Kahit ako, gusto kong puntahan ang lalaking iyon. Bakit kailangan niyang ganitohin ang kaibigan ko.
“Tapos nung tinanong ko siya, a-ang sabi niya magpapaalam naman raw siya kaya lang baka daw hindi k-ko siya payagan,” ani Jaica.
“Tangina niya,” sambit ko.
“K-Kung hindi ko siguro nakita ang p-post na iyon h-hindi ko malalaman na umalis siya kagabi at b-baka hindi niya din sabihin sa akin iyon,” patuloy ang pag-iyak ni Jaica.
“Hindi niya talaga sasabihin iyon, hindi nga siya nagpaalam sa ‘yo diba. Tapos kasama niya pa ang ex tanginang ‘yan,” inis na sabi ni Sandra.
Nakataas pa din ang kilay ko parang gusto kong puntahan ang lalaking iyon at suntokin ang pagmumukha niya. Bakit ba kasi may mga lalaking ganun?
Kaya ayoko ding mag-boyfriend eh, isa sa mga rason ko ay ang mga lalaking sinungaling. Kung ano-ano lang sinasabing rason. Tangina.
“N-Nag sorry naman siya kaya lang masama pa din ang loob ko, a-ang sabi k-ko wag muna siyang magpakita sa akin…hindi ko din naman a-alam ang gagawin ko kagabi dahil sobrang nasaktan a-ako sa nalaman k-ko. Tapos k-kasama niya pa ‘yung ex niya eh isa ‘yon sa madalas naming pag-awayan,” utal na sabi ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
All for Love (Salazar Series #1) ✓
RomanceDate Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu. Maganda ang buhay dahil parehas na may trabaho ang mga magulang. Kahit na hindi niya masyadong close...