Kabanata 34

1.2K 51 0
                                    

“Ma’am gusto po nung nag-order na ikaw po ang mag deliver,” sabi ni Elle sa akin. Kanina pa kami kwentohan nang kwentohan nila Jaica. Nilingon ko si Elle na nakatingin sa akin ngayon.

“Bakit daw?” Si Jaica ang nagtanong. First time na may nagsuggest sa amin na ako ang mag deliver.

“Wala pong sinabi eh, sabi lang po si ma’am Naih daw po dapat ang mag deliver,” sabi naman ni Henry.

“Sige, ako na lang,” sabi ko. Kumunot ang noo ni Jaica, hindi sang-ayon sa sinabi ko.

“Kaya mo ba?” Tanong ni Jaica. Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Sa huli ay sinama ko na lang si Henry dahil hindi ko naman kayang dalhin iyon lahat.

Si Henry na ang nag-drive at kotse ko ang dala namin.

“Saan nga ang address Hen?” Tanong ko. Binigay niya sa akin ‘yung papel na hawak ni Elle kanina. Kinuha ko iyon at binasa ang address na pupuntahan namin. Nagmaneho na si Henry para mabilis kaming makapunta doon.

Lalaki pala ang nag-order, basi kasi sa nabasa kong address. Sa isang site namin idedeliver ang cookies at shake. Isa sa mga Engineer or Architect ata ang omorder.

“Order po from BDC,” sabi ni Henry sa guard.

“Sige po, pasok po kayo,” sabi ng guard. Binigyan niya kami ng hard hat at agad naman namin ‘yung sinuot pagkatapos ay pumasok na.

“Ma’am baka mamaya ay may gusto sa ‘yo ‘yung nagpa-deliver nito,” biglang sabi ni Henry na kinunotan ko.

“Hindi naman siguro.” Umiling ako sa kaniya pero ngumisi siya sa akin at inasar ako.

Ang mga kasama ko sa bakery shop ay parang mga kapatid at kaibigan ko na din. Pantay-pantay ang trato ko sa kanilang lahat.

“From BDC po ba ito?” Nilingon ko ang pamilyar na boses at muntik ko nang mabitawan ang hawak-hawak dahil sa nakita.

“Lester? Gago ka!” gulat na sabi ko at agad na lumapit sa kaniya para yumakap. Tumawa naman siya at niyakap din ako. Ilang saglit kaming nagyakapan bago kami kumalas. Limang taon ko din siyang hindi nakita.

“Masyado mo ata akong namiss?” Nakangiti niyang sabi sa akin. Lalo siyang tumangkad at nagmatured na din ang kaniyang mukha. Hindi ako makapaniwalang dito kami magkikita.

Teka anong ginagawa niya dito kung gano’n?

“Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka kong tanong. Gulat pa din hanggang ngayon.

“Hindi mo nga pala alam, Engineer ako dito. Pagkatapos nating grumaduate, nagtake din ako ng Engineering at ito nga nakapasa ako,” hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Lester.

Gulat pa din ako, kaya pala after ng graduation namin ay hindi ko na siya nakita. Medyo hindi pa din ako okay nung mga panahon na iyon kaya hindi ko din siya napansin.

“Gago! Kaya pala ako ang ipinag-deliver mo,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin.

“Hanggang ngayon palamura ka pa din,” aniya. Ngumiti ako at inabot na sa kaniya ang mga inorder niya sa amin.

“Ang dami nito, akala ko tuloy fan din ng bts ang oorder. ‘Yon pala ikaw,” sabi ko sa kaniya.

“May nagsabi kasi sa akin na may bakery shop ka kaya naisipan kong omorder, masyado bang marami?” Tanong niya at kinuha ang mga inorder at pinamigay ito sa kaniyang mga tauhan.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon