“Ang dali lang nung exam no?” sambit ko nang makalabas kami sa room. Kakatapos lang namin mag exam at papunta na kami sa cafeteria para mag lunch.
Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan matapos kong sabihin iyon.
“Oo ang dali lang, sa sobrang dali parang gusto ko na lang ma-dead,” ani Sandra na tinawanan ni Jaica.
“Gago,” mura ko sa kaniya at umiling.
Napatingin ako sa mga studyanteng may hawak na year book na may nakasulat sa taas na University of Cebu. Iyon ata ‘yung year book last school year.
Madami ang nag-eenroll dito sa UOC. Maganda kasi ang pagtuturo dito at masasabi kong madami talagang matututonan ang mga studyante. Mahal nga lang ang tuition kada sem kaya marami ding scholar ang nandito.
Kinuha ko ang phone ko dahil tumunog ito. Nag-text si Zymon.
Zymon:
Tapos na exam?Agad akong nagtipa para magreplyan siya.
Me:
Yup, ikaw?Zymon:
Tapos na din. Where are you?Hindi agad ako nakareply dahil may na bangga ako. Tumama ang ulo ko sa matigas niyang dibdib. Magsasalita sana ako para magreklamo kaya lang ay pamilyar ang amoy niya sa akin. Tiningala ko ang lalaking nasa harap ko at nakita ko ang gwapong mukha ni Zymon na nakatingin sa akin.
Tumikhim ang dalawa kong kaibigan, mukhang alam na nila na mababangga ko si Zymon pero ‘di man lang ako sinabihan.
Nice, kaibigan ko nga sila.
“Who are you texting?” Kunot noo niyang tanong.
Tinago ko ang cellphone ko.
“Nagtanong ka pa eh, ikaw nga dapat ang rereplyan ko,” sabi ko at umirap.
“Oh, chill lang ‘kay? Hahaha baka mamaya magalit ka na naman diyan.” Tumawa siya.
“Ehem, tara na po. Nagugutom na ako,” boses ni Jaica ang narinig ko.
“Ako din, sa cafeteria niyo na ‘yan ituloy,” dagdag ni Sandra at nauna nang maglakad. Sumunod naman sa kaniya si Jaica na nakangisi. Umiling ako sa mga kaibigan at sumunod na sa kanila.
“Hintayin mo naman ako,” ani Zymon.
Nakalimutan kong kasama ko pala ang mokong na ‘to. Binagalan ko ang lakad ko para masabayan niya ako. Nagulat na lang ako ng umakbay siya sa akin. Lahat ata ng madaanan namin ay sa amin nakatingin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sobrang lakas talaga ng epekto sa akin ng lalaking ‘to. Tiningnan ko siya at nakitang okay lang naman ang kaniyang mukha. Chill lang siya habang ngumingiti pa sa mga babaeng nadadaanan namin. Sanay talaga siya sa mga ganito.
Nang makarating sa cafeteria ay mas dumami ang tumingin sa amin. Ang mga studyanteng kumakain sa cafeteria ay nakatingin na sa amin ang iba ay kinikilig ang iba naman ay naiinggit.
Pag inggit, pikit.
“What do you want?” Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
All for Love (Salazar Series #1) ✓
RomanceDate Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu. Maganda ang buhay dahil parehas na may trabaho ang mga magulang. Kahit na hindi niya masyadong close...