Kabanata 29

1.1K 51 0
                                    

“Enjoy kayo!” ani tita Itzel sa amin. Yumakap na ako sa kanila. Pauwi na sila at maiiwan nga muna kami dito sa Boracay.

May sinabi pa si tito Raul kay Zymon na hindi ko na narinig dahil sa ingay nila Troy. Kumaway na kami sa kanila nang makapasok na sila sa sasakyan.

“Happy birthday po ulit la,” sabi ko at niyakap si lola Jimena.

“Thank you apo, I really like the dress.” Kumalas kami sa yakap at ngumiti si lola sa akin. “Enjoy kayo dito ha,” ani lola.

“Opo, ingat po kayo,” sabi ko at kumaway. Sumakay na si lola sa sasakyan at umalis na sila.

Bumalik sa room sila Venn. Nakita ko naman sa table si Yosef at ang girlfriend niya. Si Zymon ay kanina pa din nakatingin sa akin, hindi ko alam sa lalaking ‘to.

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya at nagsimula nang maglakad para makaupo. Medyo masakit pa ang gitna ng hita ko pero hindi kagaya kanina na parang hindi ako makalakad. Alas singko na din ng hapon kaya malakas ang ihip ng hangin.

“Masakit pa din?” Tanong niya. Tiningnan ko ang kaniyang ekspresiyon at natawa.

“Sana man lang inisip mo ‘yan kagabi bago mo gawin sa akin ‘yon,” sabi ko at naupo.

Tumingin akong muli sa kaniya at muling natawa nang makita ang kaniyang mukha. Nakanguso na ito at nag-aalalang nakatingin sa akin. Shit sineryoso niya ba talaga ang sinabi ko kanina?

“Sorry gan’to lang ako, sana ‘di na lang ako nabuhay.” Kinurot ko ang tagiliran niya dahilan para tumigil siya sa pagsasalita at lumingon sa akin. Bwiset talaga ng lalaking ‘to. Puro kalokohan eh.

“Punyemas ka, puro ka kalokohan,” sabi ko at umiling sa kaniya. Siya naman ngayon ang tumawa dahil sa sinabi ko. Tingnan mo ang mokong na ‘to.

Tumingin ako sa dalawa na ngayon ay papunta na sa dagat. Nakahawak si Yosef sa bewang ni Sienna habang naglalakad papunta sa dagat.

“Tara na,” sabi ko at tumayo.

“Saan?” Takang tanong ni Zymon na sumunod din naman sa akin.

“Hindi ko gusto na maligong nakaganito no,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at parang may iniisip. Hindi ko na lang iyon pinansin at nauna nang maglakad.

Nakasalubong ko si Chelsie at Caelus. Nakasuot si Chelsie ng black oversized t-shirt, mukhang maliligo na din ata siya. Ngumiti ako sa kanila at napansing may kulay pula sa leeg ni Chelsie, umiling ako nang mapagtantong hickey iyon. Tinapik naman ni Zymon ang balikat mo Caelus dahil mukhang nakita niya din ‘yon.

Nang makarating sa kwarto ay naghubad na ako. Hindi ko na pinansin si Zymon dahil nakita na naman niya ang buong katawan ko kagabi.

“What the heck? Love! Ang bastos mo!” Natawa ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang bikini na nasa bag para makapagbihis na.

Nang makapagbihis ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kumunot ang noo ko nang marinig ang ilang pagmumura ni Zymon. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nakatalikod ito sa akin.

“Love? Bakit?” Tanong ko at naglakad papalapit sa kaniya.

“Diyan ka lang,” aniya at lumayo pa sa akin.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon