Kabanata 19

1.1K 52 0
                                    

Nagising ako dahil sa sigawan sa baba. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang ala una pa lang ng umaga. Bumangon ako at naglakad sa may pintuan. Tuesday pa naman ngayon at may pasok kami. Ano ba naman ‘yan.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang bumaba para malaman kung sino ang nag-aaway.

“Alfred! Sarili mo lang ang iniisip mo!” sigaw ni mommy. Nakita kong nakatalikod sa kaniya si dad habang namumula na si mommy dahil sa galit at pag-iyak.

Hindi ko pinapakailaman ang mga away nila mom at hindi ko alam na ganito pala sila mag-away. Parang walang pakialaman si daddy kay mommy. Anong klaseng asawa siya?

“Shut up Len. Diba sinabi ko na sa iyo na hinaan mo ang boses mo. Naririndi na ako diyan!” nakita ko ang galit sa mata ni dad. Takot akong nagagalit si dad pero kung ganito naman niya tratohin si mommy. Wala siyang kwenta!

“Nagbago ka na talaga, hindi ka naman ganiyan dati! Dahil ba ‘yan sa babaeng iyon ha?! Dahil bumalik siya o dahil doon sa isa mo pang babae?!” Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sinong babae? Bakit? Nanikip ang dibdib ko sa mga narinig ko. Pakiramdam ko ay sinaksak ito ng ilang beses.

“Ano ba Len! Diba sinabi ko na sa ‘yo na wala na nga iyon? Bakit ba hindi ka nakikinig? Naayos ko na ang problema ko kay Azumi at ang Xyrine naman, kakausapin ko pa siya.” Tumingin ako kay mommy na hanggang ngayon ay namumula pa din.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Nanghihina ako sa mga narinig kila mommy. May mga babaeng binanggit si daddy. Sino iyon? May naiisip na ako pero ayokong maniwala. Hindi magagawa ni daddy iyon. Hindi niya magagawa sa amin iyon. May tiwala ako sa kaniya at alam ko na mahal niya kami.

Pagod akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Ayoko ng pakinggan pa ang sasabihin nila daddy. Ayokong marinig kung ano pa man ang pinag-awayan nila. Ayokong masaktan sa malalaman ko.

“Anong nangyari girl?” Tanong ni Sandra sa akin. Pumasok pa din ako kahit wala akong gana sa mga narinig ko kanina kila mom at dad. Hindi nga nila alam na narinig ko pala sila. Casual ang pag-almusal namin kanina. Kung makapagkwentohan ay akala mo hindi sila nag-away.

“Nag-away sila mom at dad kanina,” sabi ko. Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

“Ha? Bakit?” Tanong ni Jaica.

“Hindi ko na pinakinggan, pagod na din akong makinig sa halos araw-araw nilang pag-aaway,” sabi ko at uminom sa juice na hawak ko. Nasa cafeteria na kami dahil lunch na ngayon. Hindi ko pa din nakikita ang mukha ni Zymon. Hindi nga siya nag-text kung pumasok ba siya.

Bumuntonghininga si Sandra. Kinuha niya ang librong nasa harap niya at nilagay iyon sa kaniyang bag. Si Jaica ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Mukhang nag-iisip kung anong sasabihin.

“Palaging nag-aaway? Delikado ‘yan ah,” ani Sandra. Nakatingin na sa akin.

Tumango si Jaica. “True, baka mamaya ay mahulog ‘yan sa hiwalayan..wag naman sana.” Sambit ni Jaica at umiling pa.

“Si mommy at daddy nag-aaway din pero hindi naman palagi. Kapag nag-aaway sila hindi din nila pinapatagal, ayaw ni dad ng ganun,” sabi ni Sandra.

“Ako naman hindi ko ‘yan alam kasi wala na si dad. Si mommy na lang ang kasama namin sa bahay,” sabi naman ni Jaica at kumain ng fries.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon