Kabanata 5

1.8K 88 10
                                    

“Good morning po ma’am,” bati sa akin ng isang maid nang makababa ako.

“Good morning,” saad ko at ngumiti.

Sabado ngayon at alas dyes na ng umaga. Wala din sila mommy dahil maaga silang pumasok sa trabaho nila. May meeting daw sila para sa bago nilang business partner.

Naupo ako para makakain na ng almusal. Sa Monday ay start na ng pagr-review namin para sa midterm. Magiging abala na naman kami.

“Manang ano pong nangyari sa inyo?” Napatingin ako sa gawi nila manang dahil sa narinig.

Namumutla si manang at mukhang pagod. Mukha siyang may sakit. Tumayo ako at agad na lumapit sa kanila.

“Okay lang po kayo manang?” Tanong ko.

“Oo, iha…” pagkatapos sabihin ni manang iyon ay nawalan siya ng malay.

“Manang!” Alalang saad ko. Dumating naman si kuya Roger para tulongan kaming dalhin sa guestroom si manang. Nagpatawag din ako ng Doctor para tingnan kung anong lagay ni manang.

Tinawagan ko na din sila mommy para sabihin ang nangyari kay manang. Masyadong nag-alala si mom kaya maaga daw siyang uuwi ngayon.

Ang sabi ng Doctor namin ay nalipasan daw ng gutom si manang kaya gano’n ang nangyari sa kaniya. Medyo matanda na kasi si manang kaya naman minsan ay nakakalimutan na niya ang mga bagay-bagay, kasama na do’n ang pagkain.

Bumuntonghininga ako at tiningnan si manang na natutulog. Ang sabi ko sa isang maid ay dalhan si manang ng makakain para paggising niya ay makakain na siya.

Lumabas ako ng guestroom at naabotan ang dalawang maid na nag-uusap. May problema ba?

“Bakit?” Tanong ko sa kanila.

“Ma’am, mag g-grocery po sana si manang ngayon kaya lang ay nagkasakit po siya. Eh hindi po namin kabisado kung saan siya nag g-grocery kasi po siya lang naman ang lumalabas,” aniya.

“Give me the list, ako na lang mag g-grocery,” sambit ko.

Binigay naman niya sa akin ang listahan. Kapag wala kasi akong ginagawa at kapag hindi ako busy ay sumasama ako kay manang sa pag g-grocery.

“Ma’am magpapasama pa po ba kayo sa loob?” Tanong ni kuya Roger nang makarating kami sa mall.

Umiling ako. “Hindi na po, hintayin niyo na lang po ako dito.” Tumango si kuya Roger sa akin kaya pumasok na ako sa loob.

Hindi naman masyadong marami ang bibilhin dahil kakagaling lang ni manang dito last week.

Dumiritso na ako sa supermarket at kumuha na ng cart. Medyo madami-dami ang tao, sabado kasi, kaya ngayon sila nag g-grocery.

Gulay at prutas ang una kong kinuha. Mahilig kasi kami nila mommy sa ganito at hilig din niyang gumawa ng vegetable salad. Hindi ako kumuha ng karne dahil madami pa naman sa bahay.

Kinuha ko agad ang cellphone ko nang tumunog ito.

“Bakit?” bungad ko.

“Sungit naman.”

Umirap ako sa kawalan. Bwiset talaga ‘tong si Sandra.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon