Kabanata 15

1.4K 62 3
                                    

“Nag-away ba kayo ni Zymon?” Tanong agad ni Sandra nang makalabas ako sa kwarto ko. Alas otso na ng umaga at hindi ko na alam kung anong nangyari kagabi dahil mukhang nalasing ata ako.

“Ha?” Kunot noo kong tanong sa kaniya. Nakalabas na kami at kita ko na agad sila Chelsie na naghahanda ng almusal namin. Hinanap ng mata ko ang lalaki ngunit hindi ko siya makita.

“Wala.” Umiling siya sa akin. Minsan talaga nakakapagtaka ‘tong si Sandra. ‘Yung magtatanong siya tapos hindi naman pala itutuloy.

Nagulat na lang ako nang pinalibotan ako ng mga kaibigan ko. Nasa gitna sila Chelsie at nakangiti sa akin. Maya-maya ay sabay-sabay na silang kumanta ng “Happy Birthday” nag-abot pa sila ng mga rose sa akin.

Napangiti ako sa kanila, habang lumalapit ang iba sa akin. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na todo ang ngiti sa akin. Mukhang may binabalak ang mga ‘to.

Nanlaki ang mata ko nang lumitaw si Zymon. May dala siyang cake at nakangiti siya sa ‘kin ngayon. Ang lahat ng galit na naramdaman ko sa kaniya ay nawala. Isang ngiti pa lang ang ginawad niya pero grabe na ang epekto nito sa akin.

Pumalakpak pa ang mga kasama ko at todo ngiti naman sila Sandra.

“Happy birthday love…” Huminto siya at tumitig sa akin. “Love ka ng BTS,” aniya.

Ngumiti ako sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto ko siyang yakapin, sobrang gwapo niya talaga.

Ang rupok mo naman Nailah!

“Thank you,” saad ko at ngumiti din sa kaniya.

“Blow mo na.” Huminto si Chelsie at ngumisi sa akin. “Blow mo na ‘yung candle.” Umiling ako sa kaniya at tumawa naman sila nila Sandra.

Hinipan ko ang candle at nagpalakpakan sila. Nakita ko ang pagtapik ni Troy kay Zymon at ang iba niyang mga pinsan. Sila Sandra naman ay nakatingin lamang sa amin na kanina pa ngiti nang ngiti.

Naupo na ako at tumabi sa akin si Zymon. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko lalo na’t katabi ko siya ngayon. Luminga-linga ako sa paligid at hinanap si Mitsuki. Nasaan siya?

Lumingon ako kay Zymon na kumuha ng fried chicken at nilagay sa plato niya.

“Zymon,” tawag ko. Lumingon siya sa akin. “Nasaan si Mitsuki?” Tanong ko.

“Umuwi na.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Ha? Bakit?” Tanong ko. Kahit na hindi ko gusto si Mitsuki dahil lagi siyang nakadikit kay Zymon. Parang nakaramdam din naman ako ng awa sa kaniya. At saka nakakapagtaka kung uuwi siyang mag-isa ngayon.

“Bakit mo tinatanong? Nandito na nga ako iba naman ang hinahanap mo,” lumungkot ang awra ng kaniyang mukha. Tumaas ang kilay ko doon.

“Sira,” sambit ko at umiling. Kahit kelan puro kalokohan talaga ng lumalabas sa bunganga ng lalaking ‘to.

“Kain na,” aniya. Tumingin ako sa plato ko na puno na ng pagkain. Kumunot ang noo ko. Bakit ang dami ng pagkain ng plato ko eh hindi pa naman ako kumukuha?

Tumingin ako sa lalaki na nakangisi na sa akin ngayon. Kainis talaga ang lalaking ‘to. Bakit ba hindi ko napansin na kanina niya pa nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Masyado ata akong nawili sa pagtingin sa kaniya.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon