Kabanata 7

1.6K 74 3
                                    

“Magkaano-ano ba ‘yang Mitsuki at si Zymon?” Nakakunot ang noo ni Sandra nang mag tanong siya.

Nasa kabilang table lang sila Zymon at sumunod na sa kanila sila Troy kasama iyong Venn. Kakabalik lang din ni Sandra at uminit agad ang ulo niya nang makita si Mitsuki.

“Masyado atang madikit,” dagdag niya pa.

Hindi na lang ako umimik. Hindi ko din naman alam kung anong meron sa kanila at wala na din naman akong balak na alamin pa ang bagay na iyon. Gawin na lang niya kung anong gusto niyang gawin. Wala naman akong pakialam sa kaniya o sa kanilang dalawa.

“Tumahimik ka na lang San, mamaya marinig ka pa nila,” sabi ni Jaica. Umirap si Sandra at muling tumingin kila Zymon.

Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanila at hindi ko sila maaninag kaya maayos akong makakapag-basa.

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag vibrate ito. Nasa library kami kaya kailangan i-silent ang phone mamaya mapagalitan na naman ako ng librarian.

I opened my phone and I saw a message from my mom.

Mommy:

Dear, anong oras ka uuwi? May pupuntahan tayo, ipapasundo kita kay Roger before mag 6:00.

Agad akong nagtipa para magreplyan si mommy. Sigurado akong isa sa mga business partner nila ang pupuntahan namin. Tinago ko na ang cellphone ko at inabala ang sarili sa pagbabasa.

“Okay ka lang?” Napatingin ako kay Sandra.

“Oo, bakit?” Pabalik na tanong ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya sa akin at bumaling ulit sa kabilang table.

“Naku, kung ano-ano na naman iniisip mo diyan San.” Iiling na sabi ko.

“Totoo naman, ‘tsaka ‘di ka ba chinat ni Zymon?” Hininaan niya ang boses niya.

“Huh? Bakit naman siya mag c-chat?” Kunot noo kong tanong.

Hindi naman talaga nag-chat si Zymon pero kahit na mag chat siya hindi ko na siya rereplyan. Hindi ko nga alam kung anong dahilan niya kung bakit hindi niya tinanggap ang cake na gawa ko. Pwede naman niyang sabihin sa akin na hindi niya gusto ang cake hindi ‘yung wala man lang siyang imik.

Bumuntonghininga ako. Inaalala pa din ang nangyari kanina. Dahil ata sa girlfriend niya kaya ganun? Pero kung totoo nga, edi dapat sinabi niya agad. Teka nga. Bakit ba iniisip ko na naman iyon. Kainis naman.

“Gago hahaha.” Napalingon ako sa kanila ng tumawa si Zymon.

Nagtatawanan ata sila sa kwento ni Troy. Nasa library kami, dapat nag-aaral sila hindi ‘yung puro daldal.

“Shhhh,” saway ng library.

Agad naman na natauhan si Zymon. Tumingin sa gawi namin si Troy. Ngumiti siya sa akin at tinuro ako kay Zymon. Nang lilingon na si Zymon ay agad akong bumaling sa librong hawak ko.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

“Hay naku,” saad ni Sandra.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon