“Ay gagi iyong girl pala na inaway mo sa cafeteria is ‘yung transferee!” saad ni Sandra sa akin.
Nasa gym kami dahil vacant time namin, may practice daw ang mga varsity player kaya nag-aya si Sandra na pumunta kami dito. Si Jaica ay nasa library kasama ang boyfriend niya. Sinagot na niya kahapon.
“Tusukin ko bunganga mo girl,” sambit ko. Ang lakas kasi ng boses niya. Kulang na lang ay magtatalon siya dahil sa nalaman.
“Alam mo, napapansin ko ang init ng ulo mo this past few days.” Nakakunot noo niyang sabi sa akin.
Hindi ako umimik at nagkibit balikat na lang. Punyemas, ewan ko ba kung bakit wala ako sa mood. Nakakaasar naman, dahil ata ‘to kay Zymon eh.
Umiling ako at umirap sa kawalan.
“Lord tulongan niyo po ang kaibigan ko.” Tumingin ako kay Sandra na nagdadasal ngayon.
“Ginagawa mo?” Takang tanong ko sa kaniya.
“Juicecolored.” Nag-sign of the cross siya at bumaling sa akin.
Baliw na ba ang kaibigan ko?
“Tangina mo, ano ba?” Taas kilay na saad ko sa kaniya.
“Eh kasi namam, kinakabahan lang ako baka mamaya nasapian ka na diyan. Nagdadasal lang ako,” sambit niya.
“Gago.” Umiling ako sa kaniya at kinuha ang cellphone ko.
I opened my Facebook app and scrolled my feed. Nakita ko ang ilang post ni Sandra kasama ang boyfriend niya. Ni-heart react ko iyon at naisipan kong i-share. Nilagyan ko pa ng caption na “when kaya?”.
My eyes widened when I saw a message from Zymon.
Tangina ngayon lang ba niya naisip na naghihintay ako?
I opened his message.
Zymon Salazar:
hi alam kong nakakaistorbo ako pero sana hindi😩 charot HAHAHAHA, ano may sasabihin po ako…
Nawala ata ang inis ko dahil sa message niya.
Bakit ba ganito ang epekto sa akin ng lalaking ‘to? Message pa lang naman ito.
Nailah Romero:
What?
Zymon Salazar:
ay hala, wag na lang. ang sungit mo naman po☹️
Pota.
Nailah Romero:
Ano nga?
Zymon Salazar:
ay wag na lang talaga, galit ka na😭😭
Nailah Romero:
Tangina. Ano nga? Sabihin mo na.
Zymon Salazar:
sasabihin ko na po…
BINABASA MO ANG
All for Love (Salazar Series #1) ✓
RomanceDate Started: May 05, 2021. Date Ended: June 24, 2021. - Nailah Saige Romero, a 1st year college student taking Culinary arts on University of Cebu. Maganda ang buhay dahil parehas na may trabaho ang mga magulang. Kahit na hindi niya masyadong close...