Kabanata 20

1.2K 58 4
                                    

Pagod akong pumasok sa loob ng bahay namin. Nakita ko ang sasakyan ni mommy sa labas at ang sasakyan ni daddy ay wala. Siguro ay mamaya pa ang uwi ni dad. Nakita kong nasa sala si mommy habang may ginagawa sa  kaniyang laptop.

“Hi mom,” bati ko at humalik sa kaniyang pisngi. Ngumiti sa akin si mommy at sinara muna ang kaniyang laptop.

“You look tired, dear,” ani mommy sa amin. Naupo ako sa sofa. Marami kaming ginawang activity kanina. Dahil malapit ng matapos ang school year namin. Mag se-second year college na kami.

“Ang dami po naming activity kanina sa school.  Nagluto po kami ng iba’t-ibang pagkain para ipatikim sa mga teachers. May cooking show po kasi next week,” sabi ko. Tumango si mommy sa akin.

“Kamusta naman kayo ni Zymon?” Nagulat ko sa tanong na iyon ni mommy. Hindi ko alam na naalala niya pa pala ang lalaking iyon.

“Wala po mom,” sabi ko at umiling. Ilang araw na din kaming hindi nag-uusap ni Zymon. Dahil doon sa nakita ko hindi ko na siya kinausap. Hindi nga siya nag-explain sa akin kung totoo nga bang sila na nung hapon na iyon.

“Sayang, akala ko ay kayo na. Bagay pa naman kayo,” sabi ni mom.

“Wala pa po sa isip ko ang pagb-boyfriend mom. Isa pa magagalit si dad,” sabi ko. Tumaas ang kilay ni mommy.

“Wag mong intindihin ang daddy mo. Kung makapagbawal siya ay akala mo naman hindi niya naranasan ‘to,” may inis sa tono ng boses ni mommy.

“Nagugutom ka ba? Magpapahanda ako ng meryenda,” pagiiba ng topic ni mommy. Tumango lang ako kay mommy, tinawag niya ang isa sa mga maid namin para maghanda ng meryenda naming dalawa.

Umakyat muna si mommy sa kaniyang kwarto at naiwan naman ako sa sala. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nag-chat sa gc sila Sandra.

GC TO TANGA!!!😚😚

Jai mapride:
Girl naih, nakita namin kanina sila Zymon!

San selosa:
oo girl grabe, kung makakapit si mitsuki kay zymon. parang linta

Jai mapride
Feeling ko magb-bar sila. Ang dami nila kanina.

San selosa:
true, gusto ko ngang pumunta din no. kaso pagod ako

Jai mapride:
Walang pagod-pagod dito. Arat na!😂

Naih marupok:
Gago? Paki ko sa kanila.

Naih marupok:
Saang bar ba?

Nagreact sila sa chat kong iyon.

San selosa:
girl bagay talaga sa ‘yo ‘yung nickname mo

Jai mapride
Marupok amp

Naih marupok:
Kidding. Wala akong pakialam sa kanila. Magsama sila ng hapon na iyon no.

San selosa:
talaga lang ah?

Hindi na ako nag-reply sa kanila at nag-open na lang din ako sa ig ko. Bumungad sa akin ang post ni Troy na bago lang. Kasama niya ang mga pinsan niya at ibang kateam sa basketball. Bakit kaya sila nagbar?

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon