Kabanata 33

1.3K 55 1
                                    

“Excited na tuloy ako kung anong gender niyan.” Nakangiting sabi ni Jaica. Napangiti na din ako sa kanila. Mabuti na lang at maayos na ang lahat. Nakakatakot na balikan ulit ang nakaraan, pakiramdam ko kasi kapag bumalik ako doon ay wala na akong pag-asang makabangon. Napakahirap.

“Ako din!” Sandra gigled and gave me a smile.

“Gaga, alam mo na nga gender eh,” sabi ko. Tumawa si Sandra at kumain ng fries.

6 months preggy na si Sandra, kinasal sila ni Anton last year at si Jaica naman ay engaged na kay Carlos. Biruin mo sila pa din hanggang ngayon, mabuti pa sa kanila may happy ending.

Limang taon na. Limang taon na simula ng maghiwalay kami ni Zymon, hindi nga iyon maayos na hiwalayan dahil umalis agad ako sa kanila ng malaman kong ginagago pala nila ako. Successful Chef na kaming tatlo, si Anton at Carlos ay parehas na Engineer.

Ang huli kong balita ay nagpakasal daw si Mitsuki at Zymon, mabuti nga iyon. Kinalimutan ko na din ang lahat ng nangyari sa amin ni Zymon. Nagsisisi akong minahal ko siya, nagsisisi akong nakilala ko ang buong pamilya niya.

“Tulala ka na naman,” sabi ni Jaica sa akin. Nasa loob kami ng mcdo ngayon, actually ilang beses na kaming pabalik-balik sa mcdo dahil sa naglilihi si Sandra sa fries nila at gusto ko din namang omorder dito dahil may bts meal sila.

“May naisip lang,” dahilan ko at kumagat sa burger ko. Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan matapos kong sabihin iyon.

Hindi naging madali sa akin lahat ng nangyari 5 years ago. Hindi agad ako nakarecover sa lahat, ang malamang niloko lang ako ni Zymon at ng buong pamilya niya. Pa’no nila nagawa iyon sa akin? Ang malamang kapatid ko pala si Mitsuki, na tinago nilang lahat sa akin. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din kayang tanggapin na kapatid ko si Mitsuki, masyado akong nasaktan at akala ko ay hindi na ako aahon sa pagkakalunod ko mabuti na lang at hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko.

Namatay si mom 4 years ago sa sakit sa puso. Hindi ko man lang alam na may sakit si mommy, saka ko lang nalaman nung dinala na namin siya sa hospital. Sabi ng Doctor namin ay binibigyan naman niya ng gamot si mom pero nagulat kami dahil hindi iniinom ni mom ang mga gamot niya. Namatay si mom na hindi kami nagkaayos, hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Si mommy lang talaga ang kakampi ko sa bahay at alam kong nagsisisi si mom dahil may tinago sila ni dad sa akin.

Nang namatay si mom, pakiramdam ko ay nawalan na din ako ng ganang mabuhay. Hindi kami nagkausap ng maayos ni mom, ni hindi man lang niya nakita na successful na ako.

“Iniisip mo si tita Lenny?” Tanong ni Sandra na nasa akin na ang buong atensiyon. Marahan akong tumango, miss na miss ko na talaga si mom. Sana ay maayos ang lagay niya kung nasaan man siya ngayon.

“I’m sure kung nasaan si tita Lenny ngayon, masaya siya sa mga narating mo ngayon,” nakangiting sabi ni Jaica sa akin. Sumang-ayon naman si Sandra at kumuha ulit ng fries.

“Girl, paubos na fries mo,” ani Jaica sa kaibigan namin. Kumunot ang noo ni Sandra at tiningnan ang kaniyang fries.

“Magt-takeout ako mamaya.” Umiling ako sa kaibigan. Naglilihi talaga siya. Kinuha ni Jaica ang cellphone niya, nag-text ata ang fiancee niya dahil nakangiti ito.

“Susunduin ka na?” Tanong ko. Lumingon sa akin si Jaica matapos niyang magreply sa lalaki.

“Maya-maya,” ani Jaica. Tumango na lang ako at tumingin kay Sandra na ngayon ay nakatingin sa kaniyang tiyan.

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon