A/N: Hi JoenaverDelaCruzDin0! Para sa'yo 'to! Sana magustuhan mo!! :)
Medyo mahaba po ang update na 'to so sana magustuhan niyo. Pambawi ko din 'to sa 2 weeks na walang update. Haha loveyou guys! :)
ENJOY! :)
Vote & Comment please. ♥____________________________________________________________
Chapter 35December 13, 2012; Thursday
Calix’s POVTsk, nakakainis. Hindi niya ako nireplyan sa text ko. Galit kaya siya sa’kin? Ano ba ‘yan! Nakakasira naman ng bait ‘to oh! Kasi naman e, ‘di ko na nga siya hinatid tapos hindi ko pa siya susunduin bukas.. Magtatampo talaga ‘yun sa’kin.. Tss. Patiwakal ‘tol.
“Wala kang magagawa panget, ganun talaga. Sacrifice ang tawag diyan. Hahaha.” Pang-aasar ni Sydney sa’kin. Kabaliwan na naman niya e.
“Tss, tigilan mo ‘ko.” sabi ko naman sa kanya. Tumawa lang siya ng tumawa.
“Teka, eh kung katulad nalang kaya ng ginawa mo kay Sam noon?” suggest niya. -_- Nababaliw na ba siya? Yung ginawa ko kay Les, gagawin ko kay Erin? Loko loko talaga ‘to!
“Ang pangit naman kung ganun, pati surprise ko recycled din? Tipid na tipid lang? Wala ka bang matinong masa-suggest Syd?” iritable kong tanong sa kanya. Parang ‘di nag-iisip e. Kinakalawang na ata yung utak. Hahaha joke.
“Oy oy oy. Baka nakakalimutan mo, stressed ang utak ko ngayon kaya wag mo akong ginaganyan ganyan ah. Pag ako nag-memory plus, sisiguraduhin kong lahat ng bagay madali kong matatandaan pwera SA’YO! Lecheng ‘to.” inis na inis naman niyang sagot sa’kin pero natawa pa rin. Parang tanga talaga ‘to minsan kaya nagtataka ako paano ko siya naging best friend e.
“Tsk, fine and please… don’t call her Les.” Sabi ko. Ayoko makipagtalo sa bata. Ubos oras e.
“WHAT? Bakit? It’s her nickname!” Seryosong sabi niya kaya medyo kinabahan naman ako..
“Teka nga lang.. Ano bang problema mo doon?” tanong niya.
“Wala. But please Syd, wag mo siyang tawaging Les. Lacey nalang o kaya Erin, wag lang Les.. H-hindi kasi si Erin yung naiisip ko e. Siya pa rin naaalala ko sa Les.” Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman na kumunot yung noo niya tapos biglang tumawa.
“Hah! Are you sure you already moved on? Mahal mo na ba talaga si Le—I mean Erin?” tanong niya. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata sa kanya dahil sigurado akong gagawin na naman niyang big deal yun e.
“Oo Sydney at teka bakit ba inuungkat mo pa ‘yan? Matagal ng tapos ‘yan diba? Bakit binabalik mo na naman? Tsk.” Inis kong sabi. Ang hilig hilig naman kasi magbalik ng nakaraan e.
“Hahaha. See? ‘Yan ba ang naka-move on? Ni hindi mo nga matiis na Les ang tawag ko kay Erin e, when in fact hindi ka na dapat apektado! Dapat hindi mo na rin ako pinipigilang banggitin ko siya sa’yo dahil kung talagang naka-move on ka na, wala nalang sa’yo ang pag-usapan siya! Dapat nga natatawa ka nalang eh pero bakit parang iba yata? Naiinis ka pa sa’kin! Aba aba umamin ka nga sa’kin Calix, ano ba talagang nararamdaman mo? Ako ah naiinis ako sa’yo! Eto ah, sinasabi ko sa’yo wag na wag mong gagawing panakip butas si Lacey diyan sa pesteng ex-girlfriend mo! Kapag sinaktan mo si Lacey, ewan ko nalang.” Tumigil siya sandali..
BINABASA MO ANG
I am Loveless ♥
Teen Fiction“Darating naman yung para sa'yo e.. Ang kailangan mo lang gawin ay maghintay.”